Serye ng mga Pahayag Pangmadia sa Aklat na Worldwide Security
1 Taglay ang kagalakan tinanggap nating lahat sa “Banal na Kapayapaan” na Pandistritong Kumbensiyon ang bagong aklat na Worldwide Security Under the “Prince of Peace.” Sa panahong iyon ay nalaman natin na ito ay pantanging inihanda para gamitin sa ating Pag-aaral sa Aklat ng Kongregasyon.
2 Kaya upang lubusan tayong makinabang mula sa bagong pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya, isinaayos ng Samahan na makubrehan ang impormasyon sa serye ng anim na pahayag pangmadia mula Pebrero 15 hanggang Marso 22. Dapat na tiyakin ng lahat na walang malibanan sa mga pahayag na ito na magpapasigla sa iba pa na basahin ang aklat na ito kung hindi pa nila nagagawa ito. Tunay na ito’y isang aklat na punong-puno ng napapanahong espirituwal na pagkain para isaalang-alang sa ating Pag-aaral sa Aklat ng Kongregasyon pasimula sa linggo ng Abril 12-18.
3 Ang sumusunod ay ang pamagat ng mga pahayag at ang kabanata sa aklat na Worldwide Security na pinagsaligan nito:
1—Ang Nagpupunong “Prinsipe ng Kapayapaan” ay Nagpapalaya sa Kaniyang Bayan (kabanata 1-4)
2—Ang Kasalukuyang Apurahang Pangangailangang “Manatiling Nagbabantay” (kabanata 5-8)
3—Ang mga Banal na Tipan na Nalalapit Nang Magwakas (kabanata 9-12)
4—Ang “Malaking Pulutong” ay Maliligtas sa Pagkapuksa ng Sangkakristiyanuhan (kabanata 13-16)
5—Ang mga Tapat kay Jehova ay Makakasaksi sa Kaniyang Tagumpay sa Armagedon (kabanata 17-19)
6—Si Jehova ay Naging “Lahat sa Lahat” sa Buong Sansinukob (kabanata 20-22)
4 Ang mga atas ay dapat na ibigay karakaraka doon sa mga magpapahayag nito upang sila ay makapaghanda nang lubusan at matiyak ang mabisa at buhay na pagpapahayag ng materyal. Kaya, ang mga pahayag na ito ay dapat na ibigay lamang ng mga kuwalipikadong tagapagsalita.