Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp17 Blg. 5 p. 4-5
  • Ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Sino o Ano ang mga Anghel?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mga Anghel—“Mga Espiritung Ukol sa Pangmadlang Paglilingkod”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mga Anghel—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Mga Anghel—Apektado ba Nila ang Buhay Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
wp17 Blg. 5 p. 4-5
Ang arkanghel at ang laksa-laksang anghel

TAMPOK NA PAKSA | TALAGA BANG MAY ANGHEL?​—KUNG BAKIT DAPAT MONG MALAMAN

Ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel

Gusto mo bang malaman ang katotohanan tungkol sa mga anghel—kung sino sila, paano sila umiral, at ano ang ginagawa nila? Ang mga sagot ay makikita lang sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. (2 Timoteo 3:16) Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya.

  • Ang Diyos ay Espiritu, at ang mga anghel din ay di-nakikitang mga espiritu na “walang laman at mga buto.” Nakatira ang tapat na mga anghel sa langit at direktang nakalalapit sa presensiya ng Diyos.—Lucas 24:39; Mateo 18:10; Juan 4:24.

  • May mga pagkakataong nagkakatawang-tao ang mga anghel para gawin ang iniatas ng Diyos sa kanila sa lupa, at pagkatapos na maisagawa ang mga iyon, hinuhubad nila ang kanilang katawang-tao.—Hukom 6:11-23; 13:15-20.

  • Sa Bibliya, ang mga anghel ay inilalarawan bilang mga lalaki at laging nagkakatawang-tao bilang mga lalaki. Pero ang totoo, wala silang kasarian. Hindi sila nag-aasawa at nagkakaanak. Hindi rin sila nabuhay sa lupa bilang mga tao—sanggol, bata, o adulto—bago naging mga anghel. Ang mga anghel ay nilalang ni Jehova; kaya tinatawag sila ng Bibliya bilang “mga anak ng tunay na Diyos.”—Job 1:6; Awit 148:2, 5.

  • Ipinakikita ng Bibliya na ang mga anghel ay may wika at pananalita. Ginamit ng Diyos ang mga anghel para makipag-usap sa mga tao, pero hindi niya tayo pinahihintulutang sambahin ang mga anghel o manalangin sa kanila.—1 Corinto 13:1; Apocalipsis 22:8, 9.

  • Laksa-laksa ang bilang ng mga anghel, malamang na bilyon-bilyon.a—Daniel 7:10; Apocalipsis 5:11.

  • Ang mga anghel ay “makapangyarihan sa kalakasan”—mas makapangyarihan at mas matalino kaysa sa mga tao. Maliwanag, nakapaglalakbay sila nang napakabilis, mas mabilis pa kaysa sa maiisip mo.—Awit 103:20; Daniel 9:20-23.

  • Kahit na mas matalino sila at mas makapangyarihan, may mga limitasyon pa rin ang mga anghel, at may mga bagay na hindi nila alam.—Mateo 24:36; 1 Pedro 1:12.

  • Ang mga anghel ay nilalang na may mga katangiang tulad ng sa Diyos at may kalayaang magpasiya. Kaya tulad ng mga tao, may kalayaan silang gawin ang tama o ang mali. Nakalulungkot, may mga anghel na piniling magrebelde sa Diyos.—Judas 6.

a Ang isang laksa ay katumbas ng 10,000. Kaya ang isang laksa na pinarami ng isang laksa ay katumbas ng 100 milyon. Pero binabanggit sa Apocalipsis na “laksa-laksang mga laksa” ang mga anghel. Katumbas iyan ng daan-daang milyong espiritung nilalang, malamang na bilyon-bilyon pa nga!

Ano ang Iba’t Ibang Uri ng mga Anghel ng Diyos?

Ang arkanghel, si Miguel, ang punong anghel pagdating sa kapangyarihan at awtoridad. Malinaw na ipinakikita ng Bibliya na ang Miguel ay ibang pangalan ni Jesu-Kristo.—1 Tesalonica 4:16; Judas 9.

Ang mga serapin ay may napakataas na ranggo pagdating sa pribilehiyo at karangalan. Naglilingkod sila malapit sa trono ng Diyos.—Isaias 6:1-3.

Ang mga kerubin ay may mataas na ranggo rin at inaasikaso nila ang espesyal na mga atas may kaugnayan sa napakaluwalhating presensiya ng Makapangyarihan-sa-lahat. Kadalasan nang ipinakikitang naglilingkod sila sa kaniya.—Genesis 3:24; Ezekiel 9:3; 11:22.

Ang laksa-laksang anghel na mga mensahero ay naglilingkod bilang mga kinatawan ng Kataas-taasan para isagawa ang kaniyang layunin.b—Hebreo 1:7, 14.

b Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga anghel, tingnan ang kabanata 10 at ang kaugnay na apendise na “Sino si Miguel na Arkanghel?” sa aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova. Available din ito sa www.jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share