Maaari ba Kayong Tumulong Kung Saan May Pangangailangan?
1 Si Jesus ay nagsabi noong kaniyang kaarawan: “Ang aanihin ay marami, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa.” Ngayon, sa panahong ito ng katapusan, lalo pang malaki ang pangangailangan. Kung gayon, gaya ng sinabi ni Jesus, “ldalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.”—Mat. 9:37, 38.
KAILANGAN ANG TULONG
2 Ang karamihang kongregasyon sa bansang ito ay gumagawa sa iniatas sa kanilang teritoryo nang palagian, subali’t ang ilan ay nangangailangan pa ng tulong. Gayundin, may ilang mga teritoryo na hindi pa naiaatas sa alinmang kongregasyon.
3 Mayroon ding pangangailangan na mapalakas sa espirituwal ang ilang mga kongregasyon. Ang mga matatanda, ministeryal na lingkod, malalakas na pamilya, at mga payunir ay maaaring gamitin sa ilang mga kongregasyon.
PAPAANO MAPUPUNAN ANG MGA PANGANGAILANGANG ITO?
4 Una, sa mga kongregasyon na nangangailangan ng tulong, makabubuti para sa mga matatanda na pag-aralan ang mga kalagayan. Ano ang lokal na mga pangangailangan? Ano ang maaaring gawin ngayon ng mga nasa kongregasyon upang punan ang mga pangangailangang ito? Maaari bang mapasulong ng ilan ang kanilang gawain upang maging mga auxiliary o regular payunir? Ang mga bautisado bang mga kapatid na lalaki ay gumagawa ukol sa higit pang mga pribilehiyo?
5 Pagkatapos, makipag-usap sa tagapangasiwa ng sirkito tungkol sa kalagayan. Maaaring may ilang mungkani siya kung ano ang magagawa sa loob ng kongregasyon upang harapin ang lokal na mga pangangailangan. O marahil ay may nalalaman siyang ibang kongregasyon o mga payunir na maaaring makatulong. Kung gayon, sa pamamagitan niya ay magkakaroon kayo ng ugnayan.
6 Kung ang inyong kongregasyon ay madalas na sinasaklaw ang teritoryo o kung mayroong sapat na mga matatanda, ministeryal na lingkod o mga payunir upang mapangalagaan ang lokal na mga pangangailangan, maaari bang ang ilan ay tumulong sa ibang lugar? Ang mga indibiduwal at grupo ng pamilya ay maaaring suriin ang kanilang sariling kalagayan. Maaari bang magkaroon ng pansamantalang atas na gumawa sa di naiaatas na teritoryo o marahil ay lumipat upang tumulong sa isang kongregasyon na may kakaunti lamang na manggagawa? Para doon sa makagagawa ng gayong kaayusan, inirerekomenda na makipag-usap muna kayo sa tagapangasiwa ng sirkito upang makita kung saan nigit na kailangan ang tulong.
7 Bago lumipat, lubos na katalinuhan na tayahin ang magugugol. (Luk. 14:28) Tandaan, sa karamihang bayan na nangangailangan ng tulong, ang sekular na trabaho ay kadalasang mahirap hanapin at malimit na wala kayong makakasama sa paglilingkod. Maaaring lagi kayong mayroong bahagi sa mga pulong, at ang uri ng mga pulong ay maaaring hindi kagaya doon sa inyong pinanggalingan. Ang taimtim na pagnanais na makatulong at ang mainit na pag-ibig para sa mga kapatid ang mahalaga. Kakailanganin kayong magsakripisyo sa sarili. Kuwalipikado ba kayo? Naroroon ang pangangailangan! Handa ba kayo?—Isa. 6:8.