Maging Matatag sa Pananampalataya
1 Habang ang kawalan ng kasiguruhan ay lumalala sa sanlibutang nakapalibot sa atin, may malaking pangangailangan na tayo ay maging matatag sa pananampalataya. (Isa. 57:20, 21; 1 Juan 5:4) Dahilan dito, angkop na angkop ang programa ng pansirkitong asamblea na magpapasimula sa Hulyo, 1985 na tatalakay sa temang “Be Stabilized in the Faith.”—Col. 2:7.
2 Ang bagong programang ito ay magtatampok sa pangangailangan para sa ating lahat na maging matatag, maygulang na mga Kristiyano. Ito ay tutulong sa atin na mapahalagahan kung ano ang kahilingan upang makapanatiling timbang bilang mga Kristiyano na nabubuhay sa gitna ng sanlibutan subali’t hindi bahagi nito. (Juan 17:14) Walang sinuman sa atin ang magnanais na makaligtaan ang tuwiran at praktikal na programang ito.—Mat. 24:45.
3 Magpasimula nang maaga sa pagsasagawa ng inyong plano upang makadalo. Kapag naipabatid na ang petsa at lugar ng inyong asamblea, isaayos kaagad ang inyong gawain upang kayo ay naroroon sa dalawang araw. Pasiglahin ang mga tinuturuan sa Bibliya na sumama sa inyo. Ang bawa’t isa na dadalo ay tiyak na magagantimpalaan sa espirituwal at mapalalakas na tumayong “matatag sa pananampalataya.”—1 Ped. 5:9.