Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Lahat ng mga Tao
1 Binigyan ni Jesu-Krigto ng malawakang paglalathala ang Kaharian ng Diyos. Siya ay nagtungo sa buong Galilea na nagsasabi: “Mangagsisi kayo, sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” (Mat. 4:17) Ang gayong mabuting balita ay dapat na ibahagi sa iba, at dahilan sa pagkaapurahan nito, yaong nagsasagawa ng gawaing ito ay nagtataglay ng isang mabigat na pananagutan.
2 Sino ang tumanggap ng pananagutang ito? Noong unang siglo sila ang mga alagad at apostol ni Jesus. Ilang siglo pagkatapos niyaon nalaman natin ang pabalitang ito, anupa’t tayo rin ay may pananagutang ibahagi ito sa iba. (1 Cor. 9:16) Sa pamamagitan ng paggamit sa lahat ng pagkakataon, maipakikita natin ang ating taus-pusong pagsunod sa utos ni Jesus na mangaral ng mabuting balita bago dumating ang katapusan.—Mat. 24:14.
3 Kapag nakikibahagi sa gawain sa bahay-bahay, nagsisikap ba tayong makausap ang sinuman sa bawa’t bahay? Sa maraming tahanan may ilang pamilya ang naninirahan. Maaari bang pagsikapang makausap ang iba pang pamilya? Sa malalaking lunsod, ang mga tao ay nangungupahan sa maliliit na silid. Nagsisikap ba tayong magtungo sa bawa’t silid habang ipinahihintulot ng pagkakataon? Kapag wala sa tahanan ang maybahay, at pagkatapos ay nakita ninyong dumating siya, bakit hindi bumalik at sikaping kausapin siya?
4 Kapag walang sinuman sa bahay, itala ito sa inyong House-to-House Record, at pagkatapos ay subukang magbalik-muli sa ibang pagkakataon na maaaring may masumpungan sa tahanan. Ang ilang mamamahayag ay naging matagumpay sa pag-abot sa mga tao sa pamamagitan ng pagdalaw sa bandang hapon o gabi. Ang mga tao na wala sa tahanan sa loob ng isang linggo ay kadalasang naroroon sa dulong sanlinggo kaya maaaring subukan ninyong dumalaw sa pagkakataong iyon. Ang ating katapatan sa pag-iingat ng rekord na ito at muling pagdalaw sa mga ito ay nagpapakita ng ating pag-ibig sa iba at ng ating pagnanais na mapaluguran si Jehova.—Luk. 16:10.
5 Maging handa na samantalahin ang ibang pagkakataon na magpatotoo habang nasa teritoryo. Halimbawa, maaaring may matagpuan kayong indibiduwal samantalang namamasyal, o maaaring sila ay nakaupo sa isang bangko o naghihintay ng bus. Sa pamamagitan ng mataktikang paglapit taglay ang palakaibigang ngiti, maaaring siya ay makinig. Gayundin, makabubuting lumapit sa maliliit na tindahan at mga bahay-kalakal kapag ang mga ito ay hindi masyadong abala. Kadalasan ay may masusumpungan kayong kabataan sa inyong ministeryo. Huwag ninyong lalampasan ang pagkakataon na ibahagi sa kanila ang hinggil sa Kasulatan sapagka’t ang kanllang buhay ay mahalaga rin naman.—Mat. 19:14.
6 Nililiwanag ng Salita ng Diyos na kalooban ni Jehova na ‘ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas.’ (1 Tim. 2:4) “Hindi niya nais na ang sinuman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsipagsisi.” (2 Ped. 3:9) Kapag tayo ay gumawa nang lubusan sa ating atas na teritoryo at nagsikap na matagpuan ang lahat, ating ipinakikita na tayo kagaya ni Jehova ay nagnanais na maligtas din ang iba.—1 Tim. 4:16.