Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/07 p. 8
  • Kapag Walang Tao sa Bahay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Walang Tao sa Bahay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Mag-iingat ng Isang Rekord ng mga Wala-sa-Tahanan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Teritoryong Madalas Nagagawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Lubusang Ganapin ang Inyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mayroon Ka Bang Personal na Teritoryo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 4/07 p. 8

Kapag Walang Tao sa Bahay

1. Ano ang karaniwang problema kapag nagbabahay-bahay?

1 Sa maraming lugar, pahirap nang pahirap makasumpong ng mga tao sa bahay. Sa “mga panahong mapanganib,” marami ang napipilitang magtrabaho nang mahabang oras upang makaraos sa buhay. (2 Tim. 3:1) Maaaring wala sa bahay ang ilan dahil may binibili o naglilibang. Paano kaya natin maipararating sa mga taong iyon ang mabuting balita?

2. Paano tayo makatitiyak na mababalikan ang mga wala sa bahay?

2 Magkaroon ng Kumpletong Rekord: Isulat mo muna ang adres ng bahay na walang tao. Importante ito lalo na kapag madalas mong ginagawa ang iyong teritoryo. Isinusulat mo ba ang pangalan ng kalye, ang numero ng teritoryo, ang iyong pangalan, at ang petsa? Maaari kang mag-iwan ng espasyo para sa karagdagang impormasyon kapag binalikan mo o ng ibang mamamahayag ang mga wala sa bahay. Pagkatapos magpatotoo, huwag kalimutang ibigay ang rekord o impormasyon sa may hawak ng teritoryo, malibang pumayag siyang ikaw ang bumalik sa mga wala sa bahay. Gumamit ng ibang papel para isulat kung sino ang nagpakita ng interes na iyo mismong dadalawin muli.

3. Anu-ano ang mungkahi para masumpungan ang mga wala sa bahay?

3 Subukin sa Ibang Panahon: Yaong mga wala sa bahay sa panahon ng trabaho ay maaaring nakauwi na sa gabi o sa dulo ng sanlinggo. Maisasaayos mo ba ang iyong iskedyul para makabalik sa mas angkop na panahon? (1 Cor. 10:24) Kung hindi, maaari mong ibigay sa ibang mamamahayag na puwedeng bumalik sa ibang panahon sa mga wala sa bahay. O kaya naman, puwede mong sulatan ang mga wala sa bahay o tawagan sila sa telepono. Baka gusto ring makatulong sa iyo sa paggawa nito ang mga mamamahayag na dahil sa problema sa kalusugan ay hindi na gaanong makasama sa pagbabahay-bahay.

4. Anong karanasan ang nagpapakita na mahalagang balikan ang mga wala sa bahay?

4 Ipinakikita ng isang karanasan ang kahalagahan ng pagsisikap na makausap ang mga wala sa bahay. Matapos ang tatlong taóng pagpapabalik-balik ng mga mamamahayag sa isang bahay, nakausap din sa wakas ang may-bahay. Tatlong taon na rin pala siyang naghihintay sa pagdating ng isang Saksi para ituloy ang pakikipag-aaral sa Bibliya na nahinto dahil lumipat sila ng lugar.

5. Kailan masasabing tapos na ang teritoryo?

5 Tapusin ang Teritoryo: Kailan masasabing tapos na ang teritoryo? Karaniwan nang kapag halos nagawa nang lahat ang buong makakaya para may makausap sa bawat bahay. Maaaring angkop lamang na mag-iwan ng tract o lumang magasin sa isang lugar na hindi makikita ng mga nagdaraan sa mga bahay na walang tao, lalo na sa mga teritoryong bihirang gawin. Dapat matapos ang teritoryo sa loob ng apat na buwan. Pagkatapos ay isasauli ito sa lingkod sa teritoryo upang mairekord niya ito.

6. Bakit tayo nagsisikap na maiparating sa lahat ng nasa ating teritoryo ang mabuting balita?

6 Hangga’t maaari, nais nating mas maraming tao ang magkaroon ng pagkakataong tumawag sa pangalan ni Jehova at maligtas. (Roma 10:13, 14) Kasali na rito ang mga wala sa kanilang bahay noong nagbabahay-bahay tayo. Gaya ni apostol Pablo, gawin mong hangarin na “lubusang magpatotoo sa mabuting balita tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.”—Gawa 20:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share