Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/87 p. 8
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pananatiling may Pagkakaisang Kristiyano sa Relasyong Pangnegosyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “Ang Lahat ng Bagay ay Maganap Ukol sa Pagpapatibay”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Higit Pa ang Gawin Kaysa Pagsasabi Lamang: “Magpakainit at Magpakabusog Ka”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 11/87 p. 8

Tanong

● Wasto bang ipamahagi sa mga kapatid ang pribadong materyal na may kaugnayan sa mga serbisyo sa panggagamot o pagpapayo?

Tungkol sa Kristiyanong paggawi, sumulat si apostol Pablo na ang ‘kongregasyon ay haligi at suhay ng katotohanan.’ (1 Tim. 3:15) Samakatuwid, ang kongregasyon ay hindi dapat gamitin sa pamamahagi ng pribadong materyal, maging sa pamamagitan ng isinasaayos na mga pulong sa Kingdom Hall o ng limbag na mga brochure at sirkular.

Ang Bantayan at Gumising! ay nakapag-alok ng mainam na impormasyon at payo sa mga suliranin sa panggagamot at sa pagtataguyod ng batas ng Diyos tungkol sa dugo. Nagkaroon din ng timbang na mga artikulo tungkol sa panlulumo at iba pang problema ng emosyon. Inilalaan ang mga artikulong ito upang magbigay ng impormasyon. Nguni’t hindi inirerekumenda ng mga ito ang partikular na uri ng diyagnosis, therapy, mga doktor, mga tagapayo, o mga sentro sa panggagamot, yamang ang mga bagay na ito ay nagsasangkot ng personal na pasiya.​—The Watchtower, Hunyo 15, 1982, p. 22-9 (Disyembre 15, 1982 sa Bantayan).

Yamang marami ang mga Saksi ni Jehova, ang ilang mga kapatid ay nagsikap na palaganapin ang kanilang negosyo at mga kuru-kuro sa pamamagitan ng paghahanda ng mga artikulo, mga brochure, at mga tape na pinatutungkol sa mga nasa organisasyon. Ang mga ito ay maaari ngang nakakatawag ng interes, subali’t bakit ipinamamahagi ang mga ito? Upang kumuha ng parokyano. Kahit ang iba’y hindi ipinamamahagi upang pasulungin ang negosyo, ang mga ito’y maaaring magpaliwanag ng pribadong mga kuru-kuro na ginagamit ang ‘teokratikong mga pananalita’ na may pagsipi mula sa Bibliya. Ang mga kuru-kurong ito ay maaaring hindi kasuwato ng Bibliya at ng maka-Kasulatang payo ng mga matanda kundi nakasalig sa pilosopiya o pasimulang aral ng sanlibutan.​—Col. 2:​8; 1 Tim. 6:20.

Nakapagdulot ng mga suliranin at kalituhan ang di-sinasadyang pamamahagi ng mga kapatid ng ganitong pribadong materyal sa iba. Lahat tayo, lalo na ang mga matanda, ay dapat mag-ingat upang huwag maging sanhi ng gayong mga problema. At hindi natin dapat na itaguyod ang negosyo o kuru-kuro ng iba sa pamamagitan ng pamamahagi ng materyal na iyon sa mga kapatid.​—Tingnan ang “Mga Tanong,” Agosto, 1977 Ating Paglilingkod sa Kaharian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share