Tanong
● Papaano mamalasin ng mga Saksi ni Jehova ang mga tape recording na hindi naman nagmula sa Samahan?
Ang Samahan ay naglalaan ng saganang espirituwal na pagkain sa iba’t ibang anyo, lakip na rito ang mga cassette tape recording. Kasama rito ang mga recording ng Bibliya, Kingdom Melodies at ilang drama. Gayumpaman, dapat tayong mag-ingat hinggil sa mga pribadong tape recording na kumakalat na maaaring nakakatulad nito.
Kung minsan ang mga kumakalat na isina-tape na mga pahayag ay humahangga sa mga ispekulasyon o kinakasangkapan ang mga sensesyonal na impormasyon. Hindi ba katalinuhan na sundin ang payo ni Pablo sa 2 Timoteo 3:14? Doon, si Pablo matapos na magbabala hinggil sa mga impostor, ay nagdiin sa kahalagahang kilalanin ang mga taong ating pinakikinggan. Kailangan tayong makatiyak na hindi natin pinakikinggan ang anumang bagay na “higit sa mga bagay na nasusulat” sa Banal na Kasulatan at sa espirituwal na pagkain na inilalaan ng “tapat at maingat na alipin.”—1 Cor. 4:6; Mat. 24:45-47.
Ang ilang indibiduwal ay gumagawa ng mga tape recording sa mga pulong ng kongregasyon o asamblea at mga programa sa kombensiyon para sa kanilang sariling gamit. Ang gayong mga recording ay maaaring magustuhan din ng mga miyembro sa kongregasyon na hindi nakadalo sa mga pulong. Gayumpaman, ang mga ito ay hindi dapat na ipamahagi sa mga kapatid sa pangkalahatan o ipagbili sa iba. Ginagamit nating lubusan ang lahat ng mga inilaan sa atin ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon para sa ating espirituwal na ikasisigla at ikatitibay.