Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/90 p. 3
  • Ano ang Inyong Kaugalian?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Inyong Kaugalian?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MAGPATIBAYAN SA ISA’T ISA
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bakit Dapat Tayong Magtipon Para sa Pagsamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Pagpapahalaga sa mga Pagtitipong Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kung Paano Magtatamo Nang Higit na Kagalakan Mula sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 6/90 p. 3

Ano ang Inyong Kaugalian?

1 Ang mga Kristiyanong pagtitipon ay isang mahalagang bahagi ng ating pagsamba kay Jehova. Angkop na tayo’y hinimok ni Pablo na huwag nating pabayaan ang pagtitipong samasama, “gaya ng ugali ng iba.”—Heb. 10:25.

2 Gayon din ba ang inyong nadarama hinggil sa pagdalo sa mga Kristiyanong pagtitipon? Ano ang ipinakikita ng inyong kaugalian hinggil dito? Palagian ba kayong dumadalo sa lahat ng mga pulong, lakip na ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat? O naging ugali na ninyo na hindi nakakadalo? Pinasisigla ba ninyo ang iba na dumalo nang palagian?

3 Anuman ang inyong gawain sa araw-araw, hindi maaaring maliitin ang payo ni Pablo. Bagaman ang isang Kristiyano ay maaaring hindi makadalo ng isang pulong paminsan-minsan dahilan sa mahinang kalusugan o iba pang di maiiwasang kalagayan, hindi ito dapat na maging kaugalian niya. (Roma 2:21) Sa dami ng pananagutang kailangang gampanan, dapat na tiyakin ng isang Kristiyano ang higit na mahahalagang bagay. (Fil. 1:10) Ang mga pulong ay kabilang sa higit na mahahalagang bagay para sa ating espirituwalidad.

MAGPATIBAYAN SA ISA’T ISA

4 Nang sulatan ni Pablo ang mga taga-Roma, sinabi niya na nananabik siyang makita sila. Bakit? Upang ibahagi ang ilang espirituwal na kaloob upang sila’y “maging matatag.” (Roma 1:11) Siya’y hindi nasisiyahan na basta magpadala na lamang ng sulat upang basahin, kundi nadarama niyang ang pakikipagsamahan ay kailangan, yamang siya’y nagpatuloy sa pagsasabing: “upang magkaroon ng pagpapatibayan.” (Roma 1:12) Maging si Pablo, na isang apostol, ay nakababatid ng kaniyang pangangailangan ukol sa ikatitibay sa pamamagitan ng pagsasamahang Kristiyano.

5 Sa gayong ding paraan, ang ating mga pulong ay dapat na magpasigla sa atin ukol sa pag-ibig sa isa’t isa at mabubuting gawa. Ang isang palakaibigang ngiti at masiglang pagbati ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa iba. Ang nakapagpapatibay na komento, inihandang mabuting mga bahagi sa programa, pagsubaybay sa pagsulong ng iba sa espirituwal, at pakikisalamuha sa mga kapatid sa mga pulong ay nakapagpapatibay. Bagaman tayo ay pagod na sa katapusan ng maghapon, kadalasang gumagaan ang ating pakiramdam pagkatapos ng pulong. Ang Kristiyanong pakikipagkaibigan at ang pag-ibig na ipinamamalas sa atin ng mga kapatid ay magpapatibay sa atin na “takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.” (Heb. 12:1) Sa pamamagitan ng maingat na pakikinig sa Salita ng Diyos, makapanghahawakan tayong matatag sa pangmadlang pagpapahayag ng ating pag-asa nang walang urong-sulong. Tunay, maraming pagpapala ang sumasapit sa pagkanaroroon sa mga pulong.

6 Ngayon higit kailanman, tayo ay dapat na maging masipag sa pagdalo sa lahat ng pulong ng kongregasyon. Hindi natin nanaising mahulog sa kaugalian na nagpapabaya sa pagtitipong samasama. Dapat nating patibayin at tulungan ang iba na dumalo, na nagpapakita ng ating pag-ibig at ng ating pagpapahalaga sa mga Kristiyanong pagpupulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share