Teokratikong mga Balita
◆ Ang Cote d’Ivoire ay nag-ulat ng kanilang ika-12 sunod-sunod na peak na 3,465 na mga mamamahayag. Ang mga kapatid dito ay tumutulong din sa maraming kapatid na tumakas mula sa Liberia dahilan sa kahirapang kanilang nararanasan sa lupaing iyon na winasak ng digmaan.
◆ Ang bagong peak sa mamamahayag ng Hapon ay 148,452. May 3,582 bagong mga regular payunir na nagpatala noong Setyembre. Noong Setyembre 165 mga klase sa paaralan para sa payunir ang idinaos, at 3,920 mga payunir ang naligayahan sa kurso.
◆ Ang Kenya ay nag-ulat ng isang bagong peak na 5,610 mga mamamahayag. Ang serye ng pantanging asamblea ay natapos taglay ang dumalo na may kabuuang bilang na 11,027 at 172 ang nabautismuhan.
◆ Ang Lesotho ay nag-ulat ng isang bagong peak na 1,347 mga mamamahayag. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 13.1 oras bawa’t isa sa paglilingkod sa larangan.
◆ Ang Mauritius ay nag-ulat ng isang bagong peak na 907 mga mamamahayag.
◆ Ang Nigeria ay nag-ulat ng isang bagong peak na 146,703 mga mamamahayag, na 4,600 ang kahigitan sa kanilang nakaraang peak.
◆ Ang Réunion ay nagkaroon ng isang bagong peak na 1,854 na mga mamamahayag sa isang buwan kamakailan. Ang kanilang kombensiyon ay dinaluhan ng 3,591, at 114 ang nabautismuhan.
◆ Ang St. Vincent ay nag-ulat ng isang bagong peak na 208 mga mamamahayag, 14 porsiyentong pagsulong. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 14.2 oras sa paglilingkod.