Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Masiglang Pag-aalok ng mga Suskripsiyon
1 Ang Bantayan ang pinakamainam na magasin sa pag-aaral ng Bibliya sa balat ng lupa! Kayo ba’y kumbinsido na ito’y totoo? Kung gayon, di ba’t kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawa’t isa na makasuskribe nito?
2 Kayo ba’y personal na natulungan ng Ang Bantayan? Sinasabi ng ilan na ito’y tumutulong sa atin na maging gising sa kahalagahan ng “mga tanda ng panahon” na nakalilito sa sangkatauhan ngayon. (Mat. 16:3) Sinasabi ng iba na sila’y naaaliw ng mabuting balita na malapit nang puksain ng Kaharian ng Diyos ang mga nagmamalupit sa kanilang kapuwa. Walang alinlangan na masasabi nating lahat na ito’y nakatulong sa atin na magkaroon ng pananampalataya sa inilaang pantubos. Kailangang matutuhan ng iba ang mga katotohanang ito.
MAGING POSITIBO SA INYONG PANGMALAS
3 Ang karunungan ng Diyos, hindi ang pangangatuwiran ng tao, ang idiniriin ng Ang Bantayan. (Isa. 55:8, 9) Ang gayong karunungan ay lubhang kailangan ng lahat sa ngayon. Mapasusulong nito ang pamumuhay at tutulong sa pagkakaroon ng tamang mga motibo. (Kaw. 9:1-6) Dahilan sa pagiging kumbinsido, ating iaalok ang suskripsiyon taglay ang positibong saloobin. Maingat na pag-aralan ang bawa’t isyu at hanapin ang mga pangungusap na makatutulong sa mga maybahay. Ang gayong patiunang paghahanda ay makatutulong sa inyo na maging positibo kapag nag-aalok ng mga magasing ito sa ministeryo.
4 Ang ilan ay naging negatibo sa pag-aalok ng suskripsiyon. Maaaring tinatalakay nila sa maybahay ang Paksang Mapag-uusapan, at pagkatapos ay dalawang magasin lamang ang iniaalok sa halip na mag-alok ng suskrispiyon. Bakit? Dahilan sa halaga? Kung gayon, ito’y hindi praktikal na pangangatuwiran. Ang halaga ay maliit lamang kung ihahambing sa makasanlibutang publikasyon, subali’t ang kapakinabangan nito sa mambabasa ay mas malaki pa kaysa halaga nito. Kaya maging positibo at ialok ang mga suskripsiyon nang may kasiglahan sa Abril at Mayo.
5 Isang kapatid na babae ang naglagay ng tunguhing 50 suskripsiyon sa loob ng dalawang buwan. Nakakuha siya ng 31 sa unang buwan at 19 sa ikalawang buwan. Sinabi niyang kapag ang ilan ay walang pera siya’y nagbabalik nang tatlo o apat na ulit upang makuha ang suskripsiyon. Sa Hapon, ang mga kapatid ay nakapaglagay ng mahigit pa sa 71,600 mga suskripsiyon sa loob ng isang buwan sa nakaraang taon, na 57 porsiyentong pagsulong kaysa sa sinundang taon.
6 Taglay natin ang lahat ng dahilan upang maging positibo sa ating ministeryo—taglay natin ang alalay ni Jehova. (Gawa 14:3) Kapag tayo’y nakapaglagay ng suskripsiyon at nagpapatibay-loob na basahin ang mga magasin, ang ating pagsisikap ay maaaring magligtas ng buhay ng mga tao. Kaya may kasiglahan at positibo nating ialok ang mga suskripsiyon sa lahat ng ating mga kakilala at sa mga nasusumpungan natin sa ministeryo sa larangan.