Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/91 p. 1-4
  • Gamitin ang Bibliya sa Paglilingkod sa Larangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gamitin ang Bibliya sa Paglilingkod sa Larangan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG BAKIT MABISA
  • GUMAMIT NG MABUTING PAGPAPASIYA
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pakikipag-usap sa mga Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Paghimok na Gamitin ang Bibliya
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Ikaw Ba’y Mabisang Nangangatuwiran Buhat sa Kasulatan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 6/91 p. 1-4

Gamitin ang Bibliya sa Paglilingkod sa Larangan

1 Ang kinasihang mga salita ng Bibliya ay maaaring magkaroon ng mabisang epekto sa mga tao. Kaya, noong unang siglo, si Pablo ay ‘nangatuwiran mula sa Kasulatan,’ na nagpaliwanag at nagpatunay sa mga punto sa pamamagitan ng mga reperensiya. (Gawa 17:2, 3) Nang nagpapatotoo si Apolos sa mga Judio, kaniyang “ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ang Kristo.”—Gawa 18:24-28.

2 Sinusunod ng mga Saksi ni Jehova sa ngayon ang halimbawang ito. Kagaya ng sinasabi sa Bantayan ng Marso 1, 1986, pahina 26: “Nais nilang mabatid ng mga tao na ang mensaheng kanilang ipinapahayag ay hindi nagmula sa kanilang sarili kundi mula sa sariling Salita ng Diyos. Kaya sila’y tuwirang gumagamit ng Bibliya, aktuwal na binabasa iyon para sa iba hangga’t magagawa.” Lubusan ba ninyong ginagamit ang Bibliya sa inyong ministeryo?

KUNG BAKIT MABISA

3 Bakit gayong kabisa ang Bibliya? Sapagka’t “ito’y madaling kumilala ng mga pag-iisip at mga haka ng puso.” (Heb. 4:12) Ang tunay na motibo ng tao ay nahahayag kapag napapaharap sa maka-Kasulatang katotohanan. Naaakit dito ang mga tapat-pusong tao. Halimbawa, isang mag-asawang nasa kabataan pa ang tinanong kung bakit nila madaling tinugon ang mabuting balita. Ang kanilang sagot? “Ito’y dahilan sa Bibliya.” Karakaraka nilang nakilala ang tinig ng “mabuting pastol” sa Bibliya.—Juan 10:14.

4 Ang isang mabuting palatuntunan ng personal na pag-aaral, lakip na ang paghahanda sa lahat ng mga pulong ng kongregasyon, ay magsasangkap sa inyo upang gamitin ang Bibliya taglay ang higit na pagtitiwala. (2 Tim. 3:16, 17) Maaaring insayuhin sa isa’t isa ng mga miyembro ng pamilya ang Paksang Mapag-uusapan. Gayundin, ang karamihan sa mga pambungad sa mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran ay humihiling sa pagbasa ng isang kasulatan. Bakit hindi insayuhin ang mga ito? Gamitin kung ano ang praktikal at kunin ang interes ng mga tao sa inyong teritoryo.

GUMAMIT NG MABUTING PAGPAPASIYA

5 May mga pagkakataong maaari nating anyayahan ang maybahay na kunin ang kaniyang sariling Bibliya at basahin ang kasulatan kasama natin. Gumamit ng mabuting pagpapasiya sa ganitong mga kalagayan. Kung nais ninyong maging maikli, maaari kayong magpasiyang basahin lamang ang isang teksto sa ating Paksang Mapag-uusapan. O kung talagang abala ang maybahay, maaaring basta sipiin na lamang ninyo ang isang teksto, na sinasabi sa kanila na iyon ay mula sa Bibliya. Ito ang karaniwang ginawa ni Jesus at ng kaniyang mga apostol, yamang wala silang dalang personal na kopya nito. Maaari rin nating sauluhin ang mga kasulatan upang magamit ito sa ating ministeryo.

6 Nanaisin nating ‘wastong gamitin ang salita ng katotohanan.’ (2 Tim. 2:15) Ang mabisang paggamit natin nito ay magpapatunay na tayo’y mga ministro ng Diyos at na ang ating pabalita ay salig sa kaniyang Salita.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share