Teokratikong mga Balita
British Virgin Islands: Ang bagong peak na 136 na mamamahayag noong Mayo ay nagdaos ng 206 na pag-aaral sa Bibliya, na isa na ring bagong peak.
Fiji: Inabot ang kanilang ika-77 sunud-sunod na peak ng mamamahayag noong Mayo, na may 1,642 nag-ulat. Inabot din ang kanilang ika-32 sunud-sunod na peak sa pagdalaw-muli at pag-aaral sa Bibliya. Limang bagong kongregasyon ang naitatag sa teritoryo ng sangay noong Mayo.
Kenya: Nalagpasan ang 6,000 mamamahayag sa kauna-unahang pagkakataon, na may bagong peak na 6,065 noong Mayo.
Korea: Noong Mayo 65,260 mamamahayag ang nag-ulat, ang kanilang ika-84 na peak sa loob ng 89 na buwan.
Papua New Guinea: Isa pang peak ng mamamahayag ang inabot na may 2,547 nag-ulat noong Mayo.