Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/92 p. 1
  • Kayo Ba’y Makapag-aauxiliary Payunir?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kayo Ba’y Makapag-aauxiliary Payunir?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Auxiliary na Pagpapayunir—Nasubukan na ba Ninyo Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Isang Kapuri-puring Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Ikaw ba ay Maglilingkod Bilang Isang Auxiliary Payunir sa Abril?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 3/92 p. 1

Kayo Ba’y Makapag-aauxiliary Payunir?

1 Pinasigla ni Jesus ang kaniyang mga alagad na maging masigasig sa ministeryo, at tiniyak sa kanila na ang pagsunod sa landasing ito ay magdudulot sa kanila ng kaligayahan. (Mat. 10:8b; Gawa 20:35) Noong nakaraang Abril, 15,730 ang naglingkod bilang mga auxiliary payunir. Kayo ba’y makakabahagi sa mga pagpapalang ito sa taóng ito sa pamamagitan ng pagpapatala bilang auxiliary payunir sa Abril at Mayo?—Awit 34:8.

2 Pagsusuri sa Inyong mga Kalagayan: Habang isinasaalang-alang ninyo ang mga karanasan sa ibaba, tanungin ang inyong sarili: ‘Matutularan ko ba ang mga halimbawang ito? Papaano ako makagagawa ng kinakailangang mga pagbabago para mabuksan ang daan sa pag-aauxiliary payunir?’

3 Ang isang kapatid na babae ay nakapag-auxiliary payunir kahit na siya’y may limang anak at may sekular na trabaho. Papaano siya pinagpala? Siya’y lubusang sinuportahan ng kaniyang asawa at mga anak, at dahilan sa mabuting halimbawa ng kapatid na ito, ang kaniyang asawa ay naging di bautisadong mamamahayag nang sumunod na buwan.

4 Sa isang kongregasyon ang lahat ng mga matatanda at ministeryal na lingkod ay nakapaglingkod bilang mga auxiliary payunir sa isang buwan. Ang karamihan sa kanila ay may sekular na trabaho, subalit kanilang ginugol ang lahat ng kanilang dulong sanlinggo sa espirituwal na mga gawain. Ang mainam na pangungunang ito ay nakatulong sa buong kongregasyon. Sa 77 mga mamamahayag, 73 ang nakibahagi sa pagpapayunir sa buwang iyon.

5 Isang 15-anyos na nag-aaral na batang babae na gumamit ng kaniyang dalawang linggong bakasyon upang mag-auxiliary payunir ay nagsabi: “Tunay na sumulong ang aking pakikipag-usap. Mas maraming tao ang nakakausap ko sa bahay-bahay.”

6 Ang mga nagretiro na sa trabaho ay kadalasang may napakainam na mga pagkakataon upang itaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian. Pagkamatay ng kaniyang asawa, isang 84 na taóng gulang na kapatid na babae ang sumulat: “Lahat ng aking mga anak ay malalaki na at may sarili nang mga pamilya. Hindi nila ako pinababayaan, subalit hindi pa rin malunasan ng kanilang pagdalaw sa akin ang damdamin ng kawalan at pangungulila. Isa sa mga matatanda sa aming kongregasyon ang nagmungkahi na subukin ko ang pag-aauxiliary payunir. Ako’y nag-atubili subalit sa dakong huli ay nagpasiya akong subukin iyon. Anong laking kagalakan! Ako’y nakapagpatuloy bilang isang auxiliary payunir bawa’t buwan mula noon.”

7 Gawin na Ngayon ang Inyong mga Plano: Bakit hindi gumawa ng mga positibong plano na mag-auxiliary payunir sa Abril at Mayo? Upang maging matagumpay, ang maingat na pagpaplano ay kailangan. Maliwanag ito sa mga karanasan ng mga nakapag-auxiliary payunir sa kabila ng kanilang pampamilyang mga pananagutan o buong panahong sekular na trabaho. Makipag-usap sa iba na matagumpay na nakapagpayunir upang makinabang mula sa kanilang karanasan. Gayundin, lumapit kay Jehova sa panalangin, na hinihiling ang kaniyang tulong.—Isa. 40:29-31; Sant. 1:5.

8 Hindi mapag-aalinlanganan, maraming kagalakan ang natamasa niyaong mga nagsaayos ng kanilang mga gawain upang makapaglingkod bilang mga auxiliary payunir. Tatamasahin ba ninyo ang pribilehiyong ito? Kung maisagawa ninyo ang pagsisikap na mapalawak ang inyong ministeryo, tiyak na ibubuhos ni Jehova sa inyo ang mayamang pagpapala.—Mal. 3:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share