Pamumuhay Taglay ang Katinuan ng Isip at Katuwiran
1 Tayo ay nabubuhay sa isang sanlibutan na may malakas na impluwensiya tungo sa kasamaan. Ang mga pamantayan ng sistemang ito ay patuloy na nasisira. (2 Tim. 3:3) Bilang mga Kristiyano, dapat tayong manindigan sa tama at unawain kung bakit dapat nating patuloy na gawin iyon. Subalit anong direksiyon at patnubay mayroon tayo? Anong mga pamantayan ang dapat nating sundin? Ang “Pamumuhay Taglay ang Katinuan ng Isip at Katuwiran” ang siyang nakapagpapatibay na tema na pinili para sa programa ng ating pantanging araw ng asamblea sa 1993.—Tito 2:12.
2 Sa pamamagitan ng mga pahayag, demonstrasyon, at mga karanasan, matututo tayo kung papaano natin palalakasin ang sarili upang mapaglabanan ang kasamaan at upang itakwil ang makasanlibutang mga pita. Makikita rin natin kung papaanong posibleng mabuhay taglay ang katinuan ng isip at katuwiran sa gitna ng balakyot na sistemang ito. Ang mga paglalaan upang tulungan tayong maingatan ang ating kakayahang mag-isip ay babalangkasin. (1 Ped. 4:7) Ang mga magulang at mga kabataan ay lalo nang dapat magbigay ng pansin sa mga pahayag at pakikipanayam sa programa sa hapon. Idiriin nito ang pangangailangang magtamo ng maka-diyos na karunungan at karanasan at gumawang samasama sa pagtatayo ng isang maligayang teokratikong kinabukasan.
3 Bagaman napalilibutan ng masamang sanlibutan, tinuturuan tayo ng Salita ng Diyos sa pinakamabuting landasin na dapat nating sundin. Ang mga kapakinabangan ng pagsunod sa payo ng Bibliya ay itatampok sa pahayag na “Pagyamanin ang Inyong mga Pagpapala sa Gitna ng Walang Kagalakang Sanlibutan.” Sa ating paghahanda upang makadalo, nanaisin nating ingatan sa isipan na ang pagbibigay ng maingat na pansin sa programa at pagkakapit ng payo ay makatutulong sa atin upang maging higit na mabisa sa ating paglilingkod kay Jehova.—Fil. 3:15, 16.