Ialok ang Pinakamabuting Magasin sa Daigdig
1 Ang binanggit na layunin ng Ang Bantayan ay “dakilain si Jehovang Diyos bilang Soberanong Panginoon ng sansinukob.” Ang Gumising! ay “para sa pagbibigay ng liwanag ng kaalaman sa buong pamilya. . . . Pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang mapayapa at matatag na bagong sanlibutan.”
2 Ating itatampok ang mga magasing ito sa ating ministeryo sa Abril at Mayo. Upang maging mabisa, kailangan nating basahin ang bawat isyu, na tinatandaan ang mga punto na makasasaling sa puso ng mga tao at magpapasigla sa kanilang higit pang matuto.
3 Pagtatampok sa Isyu ng Abril 1: Ang karamihang mga tao ay naghahangad ng isang mas mabuting daigdig, isa na walang maraming suliranin na ngayo’y nag-aalis ng kanilang kagalakan.
Pagkatapos na ipakilala ang ating sarili, maaari nating sabihin:
◼ “Nais kong ipakita sa inyo ang komentong ginawa sa artikulong ito ‘Isang Lalong Mabuting Sanlibutan—Pangarap ba Lamang?’ Ito’y nagsasabi: ‘Ang sanlibutang ito, ang ating daigdig, ay tiyak na hindi isang ulirang dako. . . Ang talaan ng kasalukuyang mga kaabahan ay waring walang katapusan.’ Gayunpaman, hayaan mong ipakita ko sa inyo kung ano ang sinasabi ng Awit 37:11 hinggil sa hinaharap.” Kung may pagsang-ayong tumugon ang maybahay, bumaling sa artikulong “Isang Lalong Mabuting Sanlibutan—Malapit Na!,” pahina 4, at pagkatapos ay sabihing: “Maraming teksto mula sa Kasulatan ang binanggit, lakip na ang isa na kababasa pa lamang natin mula sa Awit 37:11. Naniniwala ako na masisiyahan kayong basahin ang mga artikulong ito. Kagalakan kong iwanan ang mga ito sa inyo.” Kung angkop, banggitin ang suskrisyon upang tumanggap sila ng mga artikulong gaya nito nang palagian.
4 Pagtatampok sa Isyu ng Abril 15: Ang artikulo sa pahina 4 ay nagtatanong: “Saan Ka Makasusumpong ng Mapagkakatiwalaang Patnubay?”
Pagkatapos ipakilala ang inyong sarili, maaari ninyong sabihin:
◼ “Napakaraming mga suliranin sa daigdig ngayon, gaya ng [banggitin ang bagay na ikinababahala sa komunidad o isang pangulong balita]. Dahilan dito tayo ay nag-iisip kung makakaiwas pa tayo sa mga suliraning ito. Nakagagalak, ang 2 Timoteo 3:16, 17 ay tumitiyak sa atin na ang Bibliya ay isang giya tungo sa isang tiwasay na daan ng buhay. Sa pagsuskribe sa Ang Bantayan palagian kayong makatatanggap ng patnubay na ito.”
5 Kung gusto ninyong itampok ang Gumising!, maaari ninyong gamitin ang isyu ng Mayo 8 at ang artikulong “Tunay na Pag-asa Para sa mga Bata?” Ang karamihan sa mga magulang ay nasasaling ng pangangailangan ng mga bata at nagnanais na makaalam kung ano ang maaaring gawin upang tulungan sila.
6 Kung tayo’y masigla hinggil sa ating mga magasin, ang pinakamabuti sa daigdig, tayo ay mananabik na ilagay ang mga ito sa iba upang kanilang dakilain din si Jehova bilang Soberanong Panginoon ng sansinukob.—Awit 83:18.