Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/94 p. 1
  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Bahay ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Bahay ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapakita ng Paggalang sa Ating Sagradong mga Pagtitipon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Bakit Kailangang Laging Nasa Oras?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Pagpapahalaga sa mga Pagtitipong Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Gumawi sa Paraang Karapat-dapat sa Mabuting Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 12/94 p. 1

Magpakita ng Pagpapahalaga sa Bahay ng Diyos

1 Noong panahon ng Bibliya, si Jehova ay nag-utos sa kaniyang bayan na palagiang magtipong samasama sa kaniyang bahay. (Lev. 23:2) Ang mga pagtitipong ito ay naglalaan ng panahon upang pag-usapan at bulaybulayin ang Kautusan ni Jehova. Ang kanilang kaisipan ay napuspos ng kaisipan ng Diyos. Pinangyari ng kaayusang ito ang pagkakaisa at dalisay na pagsamba. Ang mga pagtitipon sa bahay ng Diyos sa ngayon ay kasing-halaga rin nito.

2 Papaano Natin Maipakikita na Ating Pinahahalagahan ang mga Pulong? May mga panahon na ang kalagayan ng isang tao ay humahadlang sa kaniya sa pagdalo sa pulong. Subalit pinahihintulutan ba ninyo ang maliliit na suliranin na makahadlang sa regular na pagdalo sa pulong? Ang ilan ay maaaring hindi dumalo dahilan sa kaunting sakit ng ulo o pagkapagod matapos ang isang magawaing maghapon. Nadarama ng iba na obligado silang mag-asikaso sa dumadalaw na mga di sumasampalatayang kamag-anak. Ang ilan ay pumapalya sa mga pulong dahilan lamang sa panonood ng paboritong programa sa TV. Ang antas ng pagpapahalaga na nakikita sa ganitong mga kalagayan ay malayo sa taus-pusong pagnanais na ipinahayag ng mga anak ni Kore: “Ang kaluluwa ko’y aasam-asam, oo, nananabik sa mga looban ni Jehova.”—Awit 84:2.

3 Bagaman sagana ang espirituwal na pagkaing inilalaan sa mga pulong, ang ilan ay nahihirapan sa matamang pakikinig. Sila’y maaaring nangangarap nang gising, nag-iisip hinggil sa kabalisahan sa maghapon, o kaya’y nag-aantok pa. Napatunayan ng marami na ang pagkuha ng mga maiikling nota ay nakatutulong sa kanila na manatiling alisto. Bukod dito, kung tayo’y patiunang naghahandang mabuti, tayo’y makapagbibigay “nang higit kaysa karaniwang pansin.”—Heb. 2:1.

4 Kailangan ding maunawaan ng mga bata ang mga tagubiling inilalaan sa mga pulong. Kakaunti lamang ang matututuhan ng mga bata kung bibigyan sila ng mga magulang ng laruan o aklat na kinukulayan upang manahimik sila. Kakulangan ng wastong disiplina kapag hinayaan ang mga anak na maglaro, mag-usap, umiyak, o gumawa ng mga bagay na makagagambala sa iba. Ang madalas at di kinakailangang pagpunta sa banyo sa panahon ng pulong ay karaniwang nababawasan kapag nababatid ng bata na isa sa kaniyang magulang ang laging sasama sa kaniya.

5 Ang Pagiging Nasa Oras ay Mahalaga: Sa pana-panahon, ang di maiiwasang kalagayan ay maaaring humadlang sa atin sa pagdating sa pulong nang nasa oras, subalit ang kinaugaliang pagdating nang huli pagkatapos ng pambukas na awit at panalangin ay nagpapakita ng kakulangan ng paggalang sa mga pulong. Tandaan na ang pag-awit at pananalangin kasama ng ating mga kapatid sa mga pulong ng kongregasyon ay bahagi ng ating pagsamba. Ang laging pagiging huli ay kadalasang bunga ng hindi mabuting pagpaplano nang patiuna. Ang pagiging nasa oras ay nagpapakita na ating iginagalang at pinahahalagahan ang ating mga pulong.

6 Habang papalapit nang papalapit ang araw, ang pangangailangang magtipong samasama ay higit na kinakailangan. (Heb. 10:24, 25) Ipakita natin ang ating pagpapahalaga sa pamamagitan ng regular na pagdalo, patiunang paghahanda, pagiging nasa oras, matamang pakikinig, at pagkatapos ay pagkakapit ng ating natutuhan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share