Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre
PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-eeskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod bawat linggo sa Disyembre at Enero. Maaaring gumawa ng pagbabago ang mga kongregasyon kung kinakailangan para makadalo sa “Maka-Diyos na Takot” na Kombensiyon at para sa 30-minutong repaso ng tampok na bahagi ng programa sa susunod na linggo. Ang repaso para sa bawat araw na programa ng kombensiyon ay dapat na iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong kapatid na lalake upang mapalitaw ang mga pangunahing punto. Ang repasong ito ay makatutulong sa kongregasyon na matandaan ang mga susing punto para sa personal na aplikasyon at para magamit sa larangan.
Linggo ng Disyembre 5-11
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Isang Huwaran Upang Maingat na Sundan.” Tanong-sagot.
18 min: “Anyayahan ang Iba na Sumunod sa Pinakadakilang Tao.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang maikling demonstrasyon.
Awit 153 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 12-18
13 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ulat ng kuwenta, kalakip ang anumang tugon sa donasyon. Magbigay ng ilang mungkahi kung papaano tutugon sa makasanlibutang pagbati sa panahon ng pista opisyal.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian, Disyembre 1991, pahina 8.
14 min: “Magbigay ng Palagiang Pansin sa Iyong Turo.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Repasuhin ang mga tagubilin na kasama ng “Theocratic Ministry School Schedule for 1995,” na ipinakikita ang anumang tagubilin na pantanging kailangan ng kongregasyon.
18 min: “Magpakita ng Pagpapahalaga sa Bahay ng Diyos.” Tanong-sagot. Gumawa ng karagdagang komento hinggil sa pangangailangang laging nasa oras sa mga pulong.—Tingnan Ang Bantayan ng Hunyo 15, 1990, pahina 26-9.
Awit 99 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.”
20 min: “Magbigay ng Pansin sa Makahulang Salita.” Insert. Tanong-sagot sa mga parapo 1-8, na pangangasiwaan ng isang matanda. Talakayin ang aplikasyon ng binanggit na mga kasulatan.
15 min: “Himukin Silang Maging mga Tagasunod Niya.” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang maikling demonstrasyon.
Awit 22 at pansarang panalangin.
Linggo ng Dis. 26–Ene. 1
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Magbigay ng Pansin sa Makahulang Salita.” Insert. Tanong-sagot sa mga parapo 9-13, na pangangasiwaan ng isang matanda. Idiin ang kahalagahan ng paghahanda, regular na pagdalo, at pakikibahagi sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
10 min: Lokal na pangangailangan. O magbigay ng pahayag sa artikulong “Tinutulungan ba Ninyo ang Inyong Anak Upang Piliin si Jehova?” sa Ang Bantayan ng Oktubre 1, 1994, pahina 26-30.
10 min: Maghanda para sa alok sa Enero. Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay iaalok. Kung wala nito sa stock ng kongregasyon, ang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan? ay maaaring ialok. Maghanda ng isang presentasyon para sa bawat aklat, at itanghal ang mga ito ng kuwalipikadong mga mamamahayag. Ang mga idea para sa presentasyon ay masusumpungan sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 9-15.
Awit 94 at pansarang panalangin.