Subaybayan ang Nasumpungan Ninyong Interes
1 Kapag gumagawa sa bahay-bahay, limitado lamang ang ating panahong magagamit sa isang interesadong tao. Ang tunay na pagtuturo ay magagawa kapag tayo’y gumagawa ng mga pagdalaw muli at nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. (Mat. 28:19, 20) Upang mabisang makapagturo kapag tayo’y bumabalik, kailangan nating repasuhin ang ating tinalakay sa unang pagdalaw at pagkatapos ay palawakin iyon.
2 Kung inyong napag-usapan ang hinggil sa kawalang katatagan ng kaayusang pampamilya, maaari ninyong gamitin ang kabanata 29 ng aklat na “Mabuhay Magpakailanman.” Maaari ninyong sabihin:
◼ “Napag-usapan natin noong una ang tungkol sa karunungan ng pagsunod sa payo ng Bibliya upang magkaroon ng maligayang pamilya. Ano sa palagay ninyo ang susi upang pagkaisahin ang mga pamilya sa ngayon?” Hayaang sumagot. Bumaling sa parapo 27 sa pahina 247, at basahin ang Colosas 3:12-14. Ipaliwanag kung papaanong ang isang regular na pag-aaral sa aklat na Mabuhay Magpakailanman ay makatutulong sa paglutas sa mga suliranin.
3 Kung inyong tinalakay ang gumuguhong mga kalagayan sa daigdig sa inyong unang pagdalaw, maaari ninyong sabihin:
◼ “Ipinakikita ng Bibliya na si Satanas ang pangunahing dahilan ng kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig. Marami ang nagtataka kung bakit pinahintulutan siya ng Diyos na lumagi sa mahabang panahon. Ano sa palagay ninyo?” Hayaang sumagot. Bumaling sa pahina 20, parapo 14 at 15, sa aklat na Mabuhay Magpakailanman, at ipaliwanag kung bakit hindi pa pinupuksa si Satanas. Pagkatapos ay basahin ang Roma 16:20.
4 Kung kayo ay nakipag-usap hinggil sa mga pagpapala sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, sa inyong pagdalaw muli ay maaari ninyong sabihin:
◼ “Ang kamangha-manghang mga pagpapala na dadalhin ng Kaharian ng Diyos sa lupa at sa sangkatauhan ay inilarawan dito sa mga pahina 12 at 13. Ano ang gusto ninyo sa iyong nakikita? [Hayaang sumagot.] Isip-isipin kung ano ang magiging pamumuhay sa isang daigdig na kagaya nito.” Basahin ang parapo 12. Kung may interes, itanong ang katanungan sa parapo 13, at talakayin ang kasagutan. Isaayos na maipagpatuloy ang pagtalakay sa susunod na pagdalaw.
5 Maaari kayong makapagsimula ng pag-aaral sa pagsasabing:
◼ “Maraming tao ang nakasumpong ng kasagutan sa kanilang mga katanungan sa Bibliya sa paggamit ng aklat na ito.” Bumaling sa talaan ng mga nilalaman, at magtanong: “Aling paksa dito ang higit ninyong nagugustuhan?” Hayaang sumagot, bumaling sa kabanata na pumukaw ng kanilang interes, at basahin ang unang parapo. Ipaliwanag ang kaayusan ng pag-aaral at ipakita sa pamamagitan ng pagtalakay sa isa o dalawang parapo. Gumawa ng kaayusan sa pagdalaw muli.
6 Ang pagsubaybay sa interes sa aklat na Mabuhay Magpakailanman ay nagpapakita ng ating pagnanais na ganapin nang lubusan ang ating ministeryo. (2 Tim. 4:5) Sa paggawa nito, maaari nating matulungan ang ating mga tagapakinig na abutin ang buhay na walang hanggan.—Juan 17:3.