Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/95 p. 4
  • Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ipahayag ang Kagilagilalas na Mensahe sa Apocalipsis
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Bagong Alok
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Pagkaapurahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 3/95 p. 4

Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula’

1 Ninanais malaman ng maraming tao ang kahulugan ng mga nakababalisang mga pangyayari sa ngayon. Sila’y makikinabang sa ‘pakikinig sa mga salita’ ng hula sa Apocalipsis. (Apoc. 1:3) Sa Marso, tayo’y magkakaroon ng pagkakataong tulungan sila sa pamamagitan ng pag-aalok ng aklat na Apocalipsis. Ano ang maaari nating sabihin?

2 Ang ganitong paglapit ay maaaring maging mabisa:

◼ “Ang digmaan, gutom, at sakit ay sumalot sa sangkatauhan sa ika-20 siglong ito. Bakit nagkaganito samantalang ang tao ay nakagawa ng napakalaking teknikal na pagsulong? [Hayaang sumagot.] Marami ang namamangha kapag nabatid nilang ito ay inihula sa Bibliya. Marahil ay narinig na ninyo ang tungkol sa ‘apat na mangangabayo ng Apocalipsis.’ Ito sa katunayan ay isang hula na natutupad ngayon. [Buksan ang aklat na Apocalipsis sa kabanata 16, at ipakita ang mga ilustrasyon sa mga pahina 91-7.] Bagaman ang hula ay tumutukoy sa isang panahon ng malaking kabagabagan, ito’y nagdudulot din ng pag-asa. [Basahin ang Apocalipsis 6:2 sa parapo 3.] Ang Nakasakay sa maputing kabayo ay si Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, ipinangako niyang lulupigin ang kabalakyutan at pangyayarihin ang isang daigdig ng kaligayahan at kapayapaan.” Ialok ang aklat.

3 Marahil ang katanungang ito ay hihikayat sa isang kawili-wiling pag-uusap:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang kailangan upang maalis ang masasamang kalagayan sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Ang karamihan sa mga tao ay sang-ayon na kakailanganin ang napakalaking mga pagbabago upang ang daigdig na ito ay makaligtas. Ipinakikita ng Bibliya na batid ng Diyos kung ano ang dapat gawin at nangako na lulutasin ang ating mga suliranin.” Bumaling sa aklat na Apocalipsis, pahina 171, at basahin ang Apocalipsis 11:15 sa parapo 1. Bumaling sa mga ilustrasyon sa mga pahina 302 at 308, at ipakita ang mga pagpapala sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian sa pamamagitan ni Kristo. Pagkatapos ay ipaliwanag kung papaano sila makikinabang nang personal.

4 Marahil ay nanaisin ninyong sabihin ang gaya nito:

◼ “Maraming tao na nakabasa ng aklat ng Apocalipsis sa Bibliya ang nakasumpong na mahirap itong maunawaan. Inilalarawan nito ang iba’t ibang di karaniwang mga tauhan at mga pangyayari. Ang aklat na ito, Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito!, ay naglalaan ng bersikulo-por-bersikulong pagsasaalang-alang ng buong aklat ng Apocalipsis at ipinakikita kung papaanong tayo ay personal na apektado ng katuparan nito.” Buksan ang aklat sa pahina 15, parapo 2, at ipakita ang Apocalipsis 1:1, nasa mas maitim na letra. Ipaliwanag na ang ganitong mga komento ay ibinibigay para sa bawat bersikulo sa aklat ng Apocalipsis. Ialok ang aklat.

5 Kung ang tao ay abala o hindi ninyo matiyak kung mayroong sapat na interes, maaari kayong mag-iwan ng isang magasin o isang tract. Sa inyong pagbabalik at nagpakita ng interes, maaaring ialok ang aklat.

6 Ang mensahe na taglay ng Apocalipsis ay nakaaapekto sa buong sangkatauhan. Kaya kailangan ng lahat na makinig sa mga salita ng hula. Nawa’y gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang ipahayag ang mahalagang mensaheng ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share