Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/95 p. 8
  • Mabuting Balita Para sa mga Maamo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabuting Balita Para sa mga Maamo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Lupa—Isang Walang-Hanggang Mana ng Maaamo
    Gumising!—1989
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Ialok ang mga Magasin sa Bawat Pagkakataon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 5/95 p. 8

Mabuting Balita Para sa mga Maamo

1 Tayo ay nabubuhay sa panahon ng napipintong paghatol. (Ezek. 9:5, 6) Ang mga maamong tao sa lahat ng dako ay dapat na apurahang mapahiwatigan upang sila’y makapaghanda sa anumang darating. Sa kaniyang maibiging-kabaitan, inatasan ni Jehova ang kaniyang bayan “upang sabihin ang mabuting balita sa mga maamo.” (Isa. 61:1, 2) Ang ating mga magasin ay tumutulong sa atin na ipahayag ang mabuting balitang ito nang malawakan.

2 Ang Bantayan ay umaaliw sa mga maamo taglay ang mabuting balita na ang lupa ay malapit nang gawing isang paraiso ng Kaharian ng Diyos. Ang Gumising! ay nagpapatibay ng pagtitiwala sa pangako ng Maylikha hinggil sa isang mapayapang bagong sanlibutan. Ang malawak na pamamahagi ng mga babasahing ito ay isa sa pinakamabilis na paraan upang dalhin ang mabuting balita sa mga maamo. Anong litaw na mga punto ang maaari nating itampok sa pinakabagong mga isyu?

3 Maaari ninyong iharap ang Mayo 1 ng “Bantayan” sa pagpapakita ng artikulong “Makinabang sa Araw-araw na Pagbabasa ng Bibliya” at pagtatanong ng:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang kapakinabangan na matatamo sa pagbabasa ng Bibliya? [Hayaang sumagot.] Ang mismong Bibliya, sa Roma 15:4, ay sumasagot sa tanong na iyan. [Basahin ang Roma 15:4.] Ang karamihang tao sa ating komunidad ay may Bibliya, subalit iilan ang bumabasa nito nang palagian. Kami ay naniniwala na ang tanging tiyak na pag-asa sa hinaharap ay masusumpungan sa Bibliya, at tayo’y makikinabang kung ating babasahin ito.” Gumawa ng karagdagang komento, at pagkatapos ay ialok ang suskrisyon.

4 Ang Mayo 15 ng “Bantayan” ay nagtatampok sa artikulong “Isang Bagong Buhay para sa Ating mga Ninuno.” Maaari ninyong maantig ang interes sa pamamagitan ng ganitong pambungad:

◼ “Marami ang kadalasa’y nag-iisip hinggil sa kanilang mga ninuno. Yamang sila’y patay na, inaakala ng karamihan na hindi na nila makikilala ang mga ito kailanman. Sa palagay kaya ninyo’y mayroon pang posibilidad na makilala ang ating mga ninuno?” Hayaang sumagot. Basahin ang Juan 5:28, 29, at ipaliwanag kung papaanong ang Diyos ay nangako na bibigyan sila ng panibagong buhay sa isang paraisong lupa.

5 Maaari ninyong ialok ang Mayo 8 ng “Gumising!” sa pamamagitan ng paghaharap ng isang tanong:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang kinakailangan upang ang buhay ay maging tunay na kasiya-siya?” Hayaang sumagot. Bumaling sa artikulong “Ano ang Kahulugan ng Buhay?”, pahina 26, at basahin ang sinabi ni Solomon sa Eclesiastes 2:11. Pagkatapos ay ipakita ang kaniyang payo sa Ecl kabanata 12, talatang 13. Anyayahan ang maybahay na sumuskribe.

6 Kung kayo’y gumagawa ng pagmamagasin bago ang Mayo 14, tiyaking magdala ng mga kopya ng Kingdom News Blg. 34 at ialok ang mga ito sa sinumang hindi pa nakatatanggap ng isang kopya. Dapat tayong laging handang mag-iwan ng ilang literatura sa bawat tahanan hangga’t maaari, na umaasang ito’y maaaring mabasa ng iba sa pamilya at ng mga kaibigan na maaaring dumalaw sa kanila. (1 Tim. 6:18) Ang dala nating mabuting balita sa mga maamo ay maaaring magligtas ng kanilang buhay.—1 Tim. 4:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share