Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Pebrero 1
“Sa tingin mo, posible kayang malaman natin kung anong uri ng persona ang Diyos? [Hayaang sumagot.] May magandang punto tungkol dito sa magasing ito.” Basahin at talakayin ang ikalawang tanong sa pahina 16 at ang isa sa mga siniping teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik para isaalang-alang ang ikatlong tanong.
Gumising! Pebrero
“Dahil matandang aklat na ang Bibliya, iniisip ng ilang tao na hindi tumpak ang sinasabi nito tungkol sa siyensiya. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Alam mo ba na marami ang nagugulat na sinasabi ito ng Bibliya? [Basahin ang Isaias 40:22.] Sinasagot ng artikulo sa pahina 22 ang tanong na, Magkasuwato ba ang Bibliya at ang Siyensiya?”
Ang Bantayan Marso 1
“Kilala ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pangangaral. Naisip na ba ninyo kung bakit namin ito ginagawa? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi rito. [Basahin ang Mateo 24:14.] Sinasagot ng magasing ito ang mga tanong na: Ano ang mabuting balita? Ano ang Kaharian? Ano ang wakas na darating?”
Gumising! Marso
“Napakarami ang nakikipaglaban sa sakit. Kaya ibinabahagi namin ang nakapagpapatibay na tekstong ito. [Basahin ang Isaias 33:24.] Kapag tinupad na ito ng Diyos, ano kaya ang magiging buhay natin? [Hayaang sumagot.] Pero habang hindi pa ito nangyayari, mayroon tayong puwedeng gawin para bumuti ang ating kalusugan. Ipinaliliwanag ito sa magasing ito.”