Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/97 p. 4
  • Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaaliwan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaaliwan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Gumamit ng Iba’t ibang Brosyur sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 7/97 p. 4

Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaaliwan

1 Maraming tao ang hindi na gustong makarinig ng hinggil sa mga sakuna, digmaan, krimen, at pagdurusa. Ang kaaliwan, bagaman karaniwan nang wala sa mga ulat ng pagbabalita sa ngayon, ay isang bagay na talagang kailangan ng sangkatauhan. Ang pagbibigay ng kaaliwan ay nangangahulugang “magbigay ng kalakasan at pag-asa” at “pawiin ang dalamhati o suliranin” ng iba. Bilang mga Saksi ni Jehova, tayo’y nasasangkapan upang tulungan ang mga tao sa ganitong paraan. (2 Cor. 1:3, 4) Ang ating salig-sa-Bibliyang mga brosyur na iaalok sa Hulyo at Agosto ay naglalaman ng nakaaaliw na mga mensahe ng katotohanan. (Roma 15:4) Narito ang ilang mungkahi sa paghaharap ng mga ito sa ilalim ng iba’t ibang kalagayan:

2 Ang balita hinggil sa isang trahedya ay maaaring lumikha ng pagkakataon upang makapagbigay ng patotoo at magdulot ng kaaliwan sa iba, marahil ay sa pamamagitan ng pagsasabi ng gaya nito:

◼ “Kapag nangyayari ang gayong mga bagay, ang ilan ay nag-iisip kung talaga nga kayang umiiral ang Diyos at, kung gayon, siya ba’y nagmamalasakit sa atin. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Ang isang paraan upang matiyak kung mayroon nga bang Diyos ay ang gamitin ang isang kilalang simulain.” Basahin ang Hebreo 3:4. Ipakita ang iba pang mga bagay na nasa palibot natin na maliwanag na nangangailangan ng isang maylikha. Pagkatapos ay magpatuloy: “Mayroon akong isang brosyur na batid kong magbibigay sa inyo ng kaaliwan. Ito’y pinamagatang Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? [Basahin ang mga katanungan sa pabalat.] Ito’y naglalaman ng kapani-paniwalang patotoo na hindi lamang umiiral ang Diyos kundi kaniyang wawakasan ang lahat ng hindi makatarungang kalagayan na napapaharap sa atin ngayon. Nais ba ninyong basahin ito?” Isaayos ang pagbabalik.

3 Sa pagdalaw-muli, maaari ninyong sabihin:

◼ “Pinag-uusapan natin ang hinggil sa katibayan ng pag-iral ng Diyos noong iniwan ko ang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Marahil ay napansin ninyo ang puntong ito sa pahina 7. [Ipakita ang larawan at buod ng parapo 15.] Ito’y isa lamang halimbawa na nagpapakita na talagang umiiral ang isang nagmamalasakit na Diyos. [Basahin ang parapo 27 sa pahina 9.] Ang personal na pag-aaral ng Bibliya ay nakatulong sa akin na harapin ang mga pang-araw-araw na mga suliranin sa buhay sapagkat ito’y nagbibigay ng pangmalas ng Diyos sa mga bagay-bagay.” Ialok na itanghal ang isang pag-aaral.

4 Ang pagpapatotoo sa telepono ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng brosyur na “Ano ang Layunin ng Buhay—Paano Mo Masusumpungan?” Maaari mong ipakilala ang sarili at sabihin:

◼ “Ako ay tumatawag sa inyo taglay ang isang napakahalagang mensahe palibhasa’y hindi ako makapunta riyan upang makita kayo nang personal.” Basahin ang unang parapo sa pahina 4 ng brosyur sa natural na paraan, na parang kayo ay nakikipag-usap nang harapan sa tao. Tanungin siya kung ano ang palagay niya, at hayaan siyang sumagot. “Ang Bibliya ko ay nakabukas sa Isaias 45:18. Ang talatang ito ay nagpapakita na ang lupa ay nilalang para sa atin. Maaari ko bang basahin ito sa inyo?” Pagkatapos, ipaliwanag ang layunin ng brosyur, at itanong kung paano ninyo maipadadala ang isang kopya.

5 Sa susunod na pagtawag, maaari ninyong subukin ang ganitong paglapit upang mapasimulan ang isang pag-aaral:

◼ “Nais kong ipagpatuloy ang ating nakaraang pag-uusap sa pamamagitan ng pagpapakita kung sino ang makapagsasabi sa atin kung ano ang layunin ng buhay. [Ibigay ang diwa ng mga parapo 1 at 2 sa pahina 6 ng brosyur na Layunin ng Buhay.] Ang Apocalipsis 4:11 ay nagpapaliwanag na ang Diyos na Jehova ang ating Maylikha. [Basahin.] Tiyak na mayroon siyang layunin sa paglikha sa atin. Ang mga tao na nagnanais makaalam kung ano ang layuning iyon ay kailangang mag-aral ng nasusulat na Salita ng Diyos, ang Bibliya. Nais kong ialok sa inyo ang gayong pagkakataon.” Ipaliwanag kung paano idinaraos ang ating walang bayad na kurso ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya at gumawa ng mga kaayusan upang mapasimulan ang pag-aaral.

6 Ang positibong paglapit na ito ay maaaring makaaliw doon sa nakaranas na mamatayan ng minamahal sa buhay:

◼ “Ako ay gumagawa ng isang pampublikong paglilingkod sa kapakanan ng lahat ng mga namatayan ng minamahal sa buhay. Dahilan sa ito marahil ang isa sa pinakamahirap na bagay na kailanma’y haharapin ng sinuman sa atin, ang brosyur na ito na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal ay inihanda. Ito’y nakatulong sa milyun-milyong tao. Nais kong ipakita sa inyo kung ano ang sinasabi nito hinggil sa kapana-panabik na pangako na binitiwan ni Jesu-Kristo. [Basahin ang ikalimang parapo sa pahina 26, lakip na ang Juan 5:21, 28, 29.] Pansinin ang larawang ito sa pahina 29 na nagpapakita sa ulat ng Ebanghelyo hinggil sa aktuwal na pagbuhay ni Jesus kay Lazaro mula sa mga patay. Kung nais ninyong basahin ang nakaaaliw na brosyur na ito, ikinagagalak kong iwan ito sa inyo.”

7 Sa inyong pagbabalik, maaari ninyong ipakitang muli ang larawan sa pahina 29 ng brosyur na “Kapag Namatay ang Iyong Minamahal” at sabihin:

◼ “Alalahanin ninyong muli ang ating pinag-usapan hinggil sa pagbuhay-muli ni Kristo kay Lazaro. [Basahin ang kapsiyon sa pahina 28, at isaalang-alang ang materyal sa ilalim ng subtitulong ‘Talaga Bang Nangyari Iyon?”] Kung may pagnanasa ang inyong puso na maniwalang maaari ninyong makitang muli ang inyong namatay na mahal sa buhay, hayaan ninyong tulungan ko kayo na magkaroon ng pananampalataya sa pag-asa ng pagkabuhay-muli.” Ialok ang isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

8 Nawa’y gawin natin ang pinakamabuti sa sumusunod na mga buwan upang tularan si Jesus sa ‘pag-aliw sa lahat ng namimighati.’—Isa. 61:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share