Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/98 p. 7
  • Isang Daang Libo!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Daang Libo!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Maaabot Ba Natin ang Ating Tunguhin sa Buwang Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 7/98 p. 7

Isang Daang Libo!

Iyan ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya na nais nating maiuulat ng Pilipinas para sa buwan ng Agosto 1998. Posible ba nating maabot ito? Oo! Noong Pebrero at Abril, 1994 iniulat natin ang mahigit na 100,000 pag-aaral. Nang panahong iyon, lampas lamang nang kaunti sa 118,000 mamamahayag ang nasa larangan. Sa ngayon tayo ay may mahigit na 126,000 mamamahayag, gayunman ang ating mga pag-aaral sa Bibliya sa kasalukuyan sa taóng ito ng paglilingkod ay may aberids lamang na 78,807. Totoo na marami sa ating mga dating tinuturuan ay bautisado na ngayon at kung gayon ay hindi na maaaring ibilang, ngunit inaasahan na patuloy na makapagpapasimula ng mga bagong pag-aaral upang mapalitan ang mga ito. Bakit hindi gumawa ng determinadong pagsisikap na magpasimula ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya sa buwang ito na maaaring iulat sa Agosto? Subuking gamitin ang simpleng mungkahi na masusumpungan sa parapo 5 ng artikulo sa pahina 8 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito may kinalaman sa pagpapasimula ng isang pag-aaral sa unang pagdalaw sa brosyur na Hinihiling. Kung ang lahat ng mahigit na 16,000 regular pioneer at mga mamamahayag ng kongregasyon ay lubusang magsisikap na magpasimula ng isang bagong pag-aaral na maiuulat sa Agosto, hindi magiging mahirap na maabot ang tunguhing 100,000 pag-aaral. Tunay ngang magiging isang sigaw ng papuri ito kay Jehova!​—Awit 47:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share