Mayroon Ba Kayong Tiyak na Pidido?
1 Naranasan na ba ninyong pumunta sa isang pagtitipon bago maglingkod sa larangan at doo’y natuklasan ninyo na wala pala kayong mga magasin sa inyong bag sa pangangaral? Buweno, alalahanin ang insert ng Enero 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na pinamagatang “Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan.” Binanggit nito sa atin na “magkaroon ng tiyak na pidido ng magasin,” na sinasabing: “Ibigay ang pidido sa kapatid na humahawak ng mga magasin para sa isang tiyak na bilang ng mga kopya sa bawat isyu. Sa ganitong paraan, kayo at ang inyong pamilya ay magkakaroon ng regular na suplay ng mga magasin.” Ginawa na ba ninyo ito?
2 Bakit hindi humiling ng isang tiyak na pidido para sa magasin? Makadarama kayo ng higit na responsibilidad na ipamahagi ang mga magasin linggu-linggo, at mararanasan ninyo ang higit na kagalakan sa pagsasagawa nito. Kung mayroon na kayong tiyak na pidido, muling suriin kung natatanggap ninyo ang dami na kailangan ninyo para sa karaniwang buwan sa ministeryo. Sabihin pa, nais nating maging tapat sa pagkuha ng ating pidido bawat linggo at dapat na makadama ng obligasyon hinggil dito. Kung kayo’y mawawala sa kongregasyon sa mahaba-habang panahon, sabihin sa lingkod ng magasin kung nais ninyong ibigay ang inyong mga magasin sa iba hanggang sa kayo’y dumating.
3 Ang insert ding iyon na sinipi sa itaas ay nagsabi na dapat tayong “mag-iskedyul ng regular na araw sa magasin.” Masusuportahan ba ninyo ang lingguhang Araw ng Magasin? Gaya ng ipinakita sa 1999 Calendar of Jehovah’s Witnesses, ito’y tuwing Sabado ng buong taon! Huwag mamaliitin ang kahalagahan ng pamamahagi ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag tayo ay nagsisikap na lubusang makibahagi sa gawain sa magasin, tayo ay “nagdadala ng mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti” sa ating mga kapuwa.—Isa. 52:7.