Teokratikong mga Balita
◼ Albania: Ang isang bagong peak na 1,556 na mamamahayag na nag-ulat noong Enero ay kumakatawan sa 20 porsiyentong kahigitan kaysa sa aberids nang nakaraang taon.
◼ Belau: Ang kabuuang 73 mamamahayag noong Disyembre ay 20 porsiyento ang kahigitan kaysa sa aberids nang nakaraang taon at 22 porsiyento ang kahigitan kaysa sa Disyembre nang nakaraang taon.
◼ Canada: Apat na raan at animnapung bagong mga regular pioneer ang inatasan noong Enero 1, 1999.
◼ Estados Unidos: Ang mga komite sa pagtulong sa panahon ng sakuna ay inatasan ng Samahan na mag-asikaso sa mga pinsalang dulot ng mga bagyo sa timugang Estados Unidos. Lakip dito ang pagbaha sa Texas at pinsalang dulot ng Hurricane Georges sa Florida Keys. Ang mga kapitbahay ay namangha sa isinaayos ng Samahan na paraan ng pagtulong sa mga kapatid at sa paraan ng pagpapadala ng tulong.