Mga Impresyon sa Video na The Bible—Its Power in Your Life
Bilang tugon sa sumusunod na mga katanungan, ipahayag ang iyong taos-pusong mga impresyon tungkol sa mensaheng nakapaloob sa video na ito. (1a) Ano ang nagpalakas sa milyun-milyong tao na baguhin ang kanilang buhay sa ikabubuti? (Heb. 4:12) (1b) Ano ang kailangan upang makamit ang lakas na ito at maikapit ito sa buhay ng isa? (2) Anong mga teksto sa Bibliya ang sinipi upang tulungan ang mga mag-asawa na (a) mapasulong ang kanilang komunikasyon at (b) masupil ang kanilang galit? (3) Paano mapasusulong ng Kristiyanong pangmalas sa pag-aasawa ang buhay pampamilya? (Efe. 5:28, 29) (4) Paano nagpakita ang Diyos na Jehova ng isang sakdal na halimbawa sa pagbibigay sa mga anak ng tatlong bagay na nais at kailangan nilang lahat, at paano magagawa ng mga magulang sa ngayon ang gayundin? (Mar. 1:9-11) (5) Bakit kailangang personal na turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng tungkol sa Bibliya, at ano ang nagpapahiwatig ng pangangailangang gawin iyon nang regular? (Deut. 6:6, 7) (6) Paano magagawa ng mga magulang na maging kapana-panabik ang pampamilyang pag-aaral? (7) Bukod sa pag-aaral ng Bibliya, ang mga magulang ay pinasisigla ng Salita ng Diyos na paglaanan ng ano pa ang kanilang mga anak? (8) Paano makatutulong ang payo ng Bibliya sa mga pamilya upang makaraos sa kanilang kalagayan sa pinansiyal? (9) Kapag ikinapit, anong maka-Kasulatang mga simulain ang tutulong upang mabawasan ang mga suliranin sa kalusugan? (10) Paanong ang mga simulain ng Salita ng Diyos ay gumawa ng pagbabago sa iyong sariling buhay? (11) Bakit mapasisigla ng panonood ng video na ito ang sinumang dinadalaw mo sa ministeryo upang tumanggap ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya?