The Bible—Its Power in Your Life
Milyun-milyong tao na ang nagbagong-buhay sa tulong ng Bibliya. Anong mga simulain ng Bibliya ang makatutulong sa paglutas sa mga problema ngayon? Tiyak na masisiyahan kayong malaman ang sagot sa panonood ng The Bible—Its Power in Your Life, ang ikalawa sa tatlong video presentation sa DVD na The Bible—A Book of Fact and Prophecy. Matapos manood, masasagot mo ba ang mga tanong na ito?
(1) Bakit masasabing ang Bibliya ay hindi lamang isang napakagandang aklat? (Heb. 4:12) (2) Kung nakatutulong ang Bibliya para bumuti ang buhay ng mga tao, bakit kabi-kabila ang problema? (3) Ano ang pangunahing tema ng Bibliya? (4) Anong mga teksto ang makatutulong sa mga mag-asawa na (a) magkaroon ng mas mabuting komunikasyon at (b) makontrol ang kanilang galit? (5) Paano nakatutulong ang Kristiyanong pangmalas sa pag-aasawa para bumuti ang buhay pampamilya? (Efe. 5:28, 29) (6) Anong napakagandang halimbawa ang ipinakita ni Jehova para sa mga magulang? (Mar. 1:9-11) (7) Ano ang gagawin ng mga magulang para maging masigla ang pampamilyang pag-aaral? (8) Bukod sa pag-aaral ng Bibliya, ano pa ang sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat ilaan ng mga magulang sa kanilang mga anak? (9) Paano makatutulong ang payo ng Bibliya sa mga pamilya para makaraos sa hirap ng buhay? (10) Para mabawasan ang problema sa kalusugan, anong mga simulain sa Bibliya tungkol sa kalinisan, stress, at pag-abuso sa droga at alak ang maikakapit natin? (11) Anong mga pangako sa Bibliya ang mapananaligan natin? (Job 33:25; Awit 145:16) (12) Paano napabuti ng mga turo ng Salita ng Diyos ang iyong buhay? (13) Paano mo magagamit ang video na ito para matulungan ang iba?