Pinasimpleng Paraan sa Muling Pagpapanibago ng Suskrisyon
Hanggang sa ngayon, ang mga suskritor ng Ang Bantayan at Gumising! ay tumatanggap ng dalawang nasusulat na pahiwatig na matatapos na ang kanilang suskrisyon. Ang una ay isang patiunang inilimbag na Expiring Subscription slip na ipinadadala sa mga suskritor sa pamamagitan ng kongregasyon.
Ang ikalawang nasusulat na pahiwatig ay ang subscription renewal form na nakaipit sa nakabalot na magasin na tuwirang ipinadadala sa mga suskritor. Pasimula sa Hunyo 1 at Hunyo 8 na mga isyu sa taong ito, ang mga suskritor ng inililimbag na mga magasin ay hindi na tatanggap ng isang subscription renewal form na nakaipit sa magasin. Sa halip, isang expiration message ang ililimbag sa pabalat ng suskrisyon.
Ang mensaheng nakalimbag sa pabalat ng magasin ay magsisilbing paalaala na malapit nang matapos ang suskrisyon. Kung makita mo ang nakalimbag na mensahe ngunit hindi pa natatanggap ang Expiring Subscription slip, pakisuyong makipag-ugnayan sa kapatid na nag-aasikaso ng mga suskrisyon sa inyong kongregasyon. Ang mga muling pinabagong suskrisyon ay dapat na laging ibigay sa pamamagitan ng kongregasyon.
Para sa mga suskrisyon na nakuha sa larangan, ang pangunahing paraan ng pagpapahiwatig ay ang patiunang inilimbag na Expiring Subscription slip na ipinadadala sa pamamagitan ng kongregasyon. Sa sandaling dumating sa kongregasyon ang mga pormang ito, dapat tiyaking maibigay ito sa mga mamamahayag na siyang unang nakapagpasakamay ng mga suskrisyon. Yamang ang mga suskritor ay hindi na makatatanggap ng isang renewal form na nakaipit sa magasin, mahalaga nga na dalawin natin ang mga interesadong ito at pasiglahin sila na muling magpanibago ng kanilang mga suskrisyon.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian, Nobyembre 1988, pahina 4, at Pebrero 1986, pahina 4.
Ang napapanahong mga babasahing ito ay patuloy na magpapasikat ng espirituwal na liwanag sa isang madilim na sanlibutan. Nakatitiyak kami na lahat ay makikipagtulungan sa bagong kaayusang ito upang wala ni isa mang isyu ang lumampas na hindi natatanggap ng lahat ng mga suskritor ng Ang Bantayan at Gumising!