Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/02 p. 4
  • Maging Kontento sa Iyong Tinataglay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Kontento sa Iyong Tinataglay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Maaari Kang Yumaman!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Hanapin ang Kaharian, Hindi ang Materyal na mga Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Pagpapamalas ng Pananampalataya sa Pagiging Nasisiyahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Masasapatan ba ng Relihiyon ang Ating Pangangailangan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 6/02 p. 4

Maging Kontento sa Iyong Tinataglay

1 Pinaaalalahanan tayo ng Kasulatan na paglaanan ang ating sambahayan sa materyal na paraan, ngunit hindi ito ang dapat na maging pangunahing tunguhin sa buhay. Dapat na mauna ang espirituwal na mga bagay. (Mat. 6:33; 1 Tim. 5:8) Ang pagiging balanse ay isang hamon sa ‘mga panahong ito na mapanganib na mahirap pakitunguhan.’ (2 Tim. 3:1) Ano ang tutulong sa atin na gawin iyon?

2 Taglayin ang Pangmalas ng Bibliya: Binababalaan tayo ng Salita ng Diyos na ang paghahabol sa mga kayamanan ay maaaring magdulot ng espirituwal na kapahamakan. (Ecles. 5:10; Mat. 13:22; 1 Tim. 6:​9, 10) Sa mapanganib na panahong ito, magiging kapaha-pahamak para sa sinuman sa atin na maging labis na abala sa sekular na trabaho o mga alalahanin sa pinansiyal anupat ang espirituwal na mga gawain​—mga pulong, pag-aaral, at paglilingkod​—ay ginagawa na nating pangalawahin sa ating buhay. (Luc. 21:34-36) Sa kabaligtaran, nagpapayo ang Bibliya: “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.”​—1 Tim. 6:​7, 8.

3 Hindi ito nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay hinihilingan na sadyang mamuhay sa kahirapan. Ngunit tinutulungan tayo nito na makita kung ano talaga ang ating materyal na mga pangangailangan​—pagkain, pananamit, at tirahan na tama lamang sa lugar na ating tinitirhan. Kung taglay natin ang mga kinakailangan sa buhay, hindi tayo dapat maghabol nang walang katapusan sa mas mataas na pamantayan ng pamumuhay. Kapag nag-iisip na bumili ng isang bagay o tumanggap ng karagdagang trabaho, makabubuting tanungin ang ating sarili, ‘Talaga bang kailangan ito?’ Ang paggawa ng gayon ay makatutulong sa atin na sundin ang kinasihang payo: “Maging malaya nawa mula sa pag-ibig sa salapi ang inyong paraan ng pamumuhay, habang kayo ay kontento na sa mga bagay sa kasalukuyan.”​—Heb. 13:5.

4 Kung nagtitiwala tayo kay Jehova, pagpapalain niya tayo. (Kaw. 3:​5, 6) Bagaman kailangan nating magpagal upang magkaroon ng pang-araw-araw na mga pangangailangan, hindi natin ginagawang sentro ng ating buhay ang mga bagay na iyon. Kaunti man o marami ang ating tinataglay, umaasa tayo kay Jehova na sasapatan niya ang ating mga pangangailangan. (Fil. 4:11-13) Bunga nito, nagtatamasa tayo ng makadiyos na pagkakontento lakip na ang maraming iba pang pagpapala.

5 Tularan ang Pananampalataya ng Iba: Habang pinalalaki ang kaniyang anak na babae sa daan ng katotohanan, unti-unting pinasimple ng isang nagsosolong magulang ang kaniyang buhay. Bagaman nagtatamasa siya ng mga kaalwanan sa kaniyang tahanan, lumipat siya sa mas maliit na bahay at nang dakong huli sa isang apartment. Dahil dito ay nabawasan niya ang kaniyang oras sa pagtatrabaho upang mas maraming oras ang mailaan niya sa ministeryo. Nang lumaki na ang kaniyang anak at mag-asawa ito, ang ina ay maagang nagretiro, bagaman nangangahulugan ito ng higit pang kabawasan sa kaniyang kita. Ang ating kapatid na babaing ito ay nasa ikapitong taon na ngayon ng pagiging regular pioneer at hindi siya nagsisisi na nagsakripisyo siya sa materyal na paraan upang unahin sa kaniyang buhay ang mga kapakanan ng Kaharian.

6 Isang elder at ang kaniyang asawa ang nagpayunir sa loob ng maraming taon habang pinalalaki ang tatlong anak. Bilang isang pamilya, natutuhan nilang maging kontento sa pagsapat sa kanilang mga kailangan sa halip na pagbigyan ang kanilang mga kagustuhan. Ang kapatid na lalaki ay nagkomento: “Kailangan naming mamuhay nang mas simple. Bagaman naranasan namin ang ilang mahihirap na panahon, laging inilalaan ni Jehova ang aming kailangan. . . . Kapag nakikita ko ang aking pamilya na inuuna ang espirituwal na mga kapakanang tulad nito, nadarama kong tama naman ang lahat, at nakadarama ako ng tagumpay.” Idinagdag pa ng kaniyang asawa: “Kapag nakikita ko [ang aking asawa] na abala sa espirituwal na mga bagay, damang-dama ko ang masidhing panloob na pagkakontento.” Natutuwa rin ang mga anak na ang kanilang mga magulang ay nagpasiyang maglingkod kay Jehova nang buong panahon.

7 Para sa lahat ng mga pumili sa gayong landasin ng makadiyos na debosyon sa halip na sa paghahabol sa materyal na mga bagay, ipinangangako ng Bibliya ang mayayamang pagpapala kapuwa ngayon at sa buhay na darating.​—1 Tim. 4:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share