Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/85 p. 1-2
  • Pagpapamalas ng Pananampalataya sa Pagiging Nasisiyahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapamalas ng Pananampalataya sa Pagiging Nasisiyahan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • INGATANG UNA ANG KAHARIAN
  • PAGSASAGAWA NG MAGAGAWA NATIN
  • ‘Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian’
    Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos
  • Maging Kontento sa Iyong Tinataglay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Natutuhan Mo Na Ba ang “Sekreto Kung Paano Maging Kontento”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Posible Bang Maging Kontento?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 11/85 p. 1-2

Pagpapamalas ng Pananampalataya sa Pagiging Nasisiyahan

1 Ang pagkakaroon ng kasiyahan sa isang daigdig na punong-puno ng kawalang kasiyahan ay humihlling ng pananampalataya. Karamihan sa mga tao ay hindi nasisiyahan sa tinataglay nila. Sila ay nagnanais nang higit pa, ano man ang maging kahihinatnan nito. (Ecles. 4:10, 12b; 1 Tim. 6:9) Sinisikap ni Satanas na pukawin ang materyalistikong hilig natin, na ginagamit ang ‘pita ng mga mata.’ (1 Juan 2:16) Ginawa niya ito sa Eden, at ito’y umobra. Kaya ginagamit niya ang gayunding paraan upang dayain ang walang malay sa ngayon.

2 Upang maipagtanggol natin ang sarili, kailangan nating matutuhan ang pagiging nasisiyahan. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin para sa “ating pagkain sa araw na ito.” (Mat. 6:11) Ang pagiging nasisiyahan sa kaniyang mga paglalaan ay nagpapalaya sa atin mula sa kabalisahan upang mailagay na una ang mga kapakanan ng Kaharian. (Mat. 6:33) Binabalaan tayo ni Jesus na huwag mag-imbak ng “mga kayamanan sa lupa.” Hinimok niya tayo na ingatang simple ang ating mata, na nakatuon lamang sa iisang bagay, ang paggawa ng kalooban ng Diyos.—Mat. 6:19, 22.

INGATANG UNA ANG KAHARIAN

3 Hindi natin nais na magumon sa materyal na tinatangkilik kagaya ng mayamang kabataang tagapamahala. Tinanong niya si Jesus, “Anong kabutihan ang dapat kong gawin upang magtamo ng buhay na walang hanggan?” Dahilan sa kawalan ng pagnanais na gumawa ng mga pagbabago gaya ng iminungkahi ni Jesus, umalis siyang nalulumbay. (Mat. 19:16-22; Lukas 18:18-23) Gayumpaman, tayo ay nagagalak na gumawa ng mga pagbabagong ito sa ating buhay, at gumawa upang mapanatiling una ang Kaharian. Ang paggawa upang paglaanan “ang pagkain at pananamit” ay kailangan. Subali’t maaaring udyukan ni Satanas ang isang tao na higit at higit na magumon sa sekular na trabaho, na nagiging sanhi upang ang mga kapakanang pang-Kaharian ay mailagay sa gawing likuran. Iwasan nating masilo ng “pag-ibig sa salapi.”—1 Tim. 6:7-10.

4 Ang apostol Pablo ay isang mainam na halimbawa para sa atin. Siya ay lubusang gumawa at nagpasigla sa kapuwa mananampalataya na gumawa rin ng gayon. (1 Tes. 2:9; 2 Tes. 3:7-12) Ang kaniyang kaisipan ay laging sa pagpapasulong ng pangangaral ng Kaharian, subali’t siya’y nagpamalas ng maibiging pagkabahala sa lahat ng nasa kongregasyon. (1 Tes. 2:7, 8) Tayo rin naman ay dapat na magkaroon ng gayunding pagkabahala. Ang pagkakaroon ng kasiyahan ay nagmumula sa pagkaalam na tayo ay gumagawa ng nais ni Jehova na gawin natin.

PAGSASAGAWA NG MAGAGAWA NATIN

5 Ang ilan sa atin ay maaaring maglaan ng higit na panahon sa ministeryo kaysa iba. Subali’t hindi natin mahahatulan ang iba sa pamamagitan ng ating kalagayan. Nagkakaiba-iba ang kalagayan ng bawa’t indibiduwal. Ang edad, kalusugan at pananagutang pampamilya ay mga salik na dapat na isaalang-alang. Kaya hindi tayo dapat na maging mapamuna sa iba kundi patuloy na gumawa para sa personal na pagsulong, na naglilingkod sa Diyos hanggang sa magagawa natin. Ang gayong saloobin ay hindi magdudulot ng pagkawalang kasiyahan o kaya’y makapagpapahina sa iba.

6 Si Jehova ay nagbigay sa atin ng maraming dapat na isakatuparan sa gawaing pang-Kaharian. Sa Nobyembre tayo ay mag-aalok ng mga aklat na newsprint sa pantanging halaga o aklat na Kaligayahan sa ₱12.00. Upang maging mabisa sa paglalagay ng literatura makabubuting malamang lubusan ang iniaalok nating publikasyon. Maging masigla tungkol sa pabalitang taglay nito, na nalalaman na ito ay maaaring mangahulugan ng pagtulong sa mga tapat-pusong mga tao na magkaroon ng interes sa Kaharian ng Diyos.

7 Ang ating matibay na pananampalataya sa mga pangako ni Jehova ay nagpapakilos sa atin na masigasig na makibahagi sa paghahayag ng mabuting balita. Magpatuloy tayong sumulong, nasisiyahan at nagtitiwala na pagpapalain tayo ni Jehova habang tapat nating isinasagawa ang kaniyang kalooban.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share