Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/03 p. 7
  • Mga Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Ang Halaga ng “Dalawang Maliliit na Barya”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • “Isang Kaloob Para kay Jehova”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 5/03 p. 7

Mga Tanong

◼ Kapag nagpapatotoo sa telepono, dapat ba nating ipaliwanag ang kaayusan sa donasyon?

Kapag nagpapatotoo tayo nang harapan, maaaring ipaliwanag na ang pambuong-daigdig na gawaing pagtuturo ng Bibliya ng mga Saksi ni Jehova ay lubusang sinusuportahan ng boluntaryong mga donasyon at na tayo ay natutuwang tanggapin ang gayong mga donasyon. Gayunman, hindi dapat banggitin ang mga donasyon o ang kaayusan sa donasyon kapag nagpapatotoo sa telepono, yamang maaaring akalain na ito ay isang anyo ng pangingilak sa telepono. Ang ministeryo ng mga Saksi ni Jehova ay walang halong anumang komersiyo.​—2 Cor. 2:17.

◼ Kapag nagpapatotoo sa telepono, ano ang dapat nating gawin kapag hiniling ng isang indibiduwal na huwag na siyang tawagang muli ng mga Saksi ni Jehova?

Dapat igalang ang mga kahilingan ng indibiduwal na iyon. Dapat sumulat ng isang rekord na may petsa ng kahilingan at pangalan ng taong iyon at ilagay sa sobre ng teritoryo para maiwasang tawagan ng mga mamamahayag ang numerong iyon sa hinaharap. Minsan sa isang taon, dapat repasuhin ang listahan ng mga taong humiling na huwag natin silang tawagan. Sa ilalim ng pangunguna ng tagapangasiwa sa paglilingkod, maaaring atasan ang makaranasan at mataktikang mga mamamahayag upang makipag-ugnayan sa mga taong ito para matiyak kung ayaw pa rin nilang tawagan sila ng mga Saksi ni Jehova.​—Tingnan ang “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hunyo 1994.

◼ Ano ang sasabihin natin sa isang answering machine?

Huwag ibababa ang telepono. Sa halip, sumulat ng isang inihandang-mabuting sagot na maaari mong basahin sa telepono. Maaari mong sabihin: “Ikinalulungkot kong hindi ko kayo nakausap. Kung nais ninyong makapakinig ng isang salig-Bibliyang pagtalakay tungkol sa [pamagat ng pahayag pangmadla], pakisuyong dumalaw kayo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Ang publiko ay inaanyayahan. Walang mga koleksiyon.” Pagkatapos ay banggitin nang maliwanag ang araw at oras ng pulong, at sabihin ang adres o ilarawan ang lokasyon ng Kingdom Hall.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share