Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/05 p. 1
  • Malapit Na ang Araw ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malapit Na ang Araw ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Sumusulong Patungo sa Kanilang Wakas ang mga Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig sa Kasaysayan ng Bibliya!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Namamahala Na ang Kaharian!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • “Manatili Kayong Mapagbantay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Isang Inihulang Dambuhala—Ano ang Kahulugan ng Pagbagsak Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 5/05 p. 1

Malapit Na ang Araw ni Jehova

1 Marubdob na hinahangad ng mga Kristiyano ang pagdating ng araw ni Jehova, na sa pamamagitan nito’y pupuksain niya ang kasalukuyang sistema ng mga bagay at paiiralin ang bagong sanlibutan ng katuwiran. (2 Ped. 3:12, 13) Yamang hindi natin alam kung kailan eksaktong darating ang araw na iyon, kailangan nating manatiling mapagbantay at tulungan ang iba na gayundin ang gawin. (Ezek. 33:7-9; Mat. 24:42-44) Ang pagbubulay-bulay sa makahulang Salita ng Diyos ay magpapatibay sa ating pananalig na “ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na.”—Zef. 1:14.

2 Sunud-sunod na Paglitaw ng mga Kapangyarihang Pandaigdig: Gaya ng nakaulat sa Apocalipsis 17:9-11, binabanggit ni apostol Juan ang “pitong hari,” na kumakatawan sa sunud-sunod na paglitaw ng pitong kapangyarihang pandaigdig. Tinutukoy rin ni Juan ang “ikawalong hari,” na kumakatawan ngayon sa United Nations. Makaaasa ba tayo na may lilitaw pang ibang kapangyarihang pandaigdig? Hindi, sinasabi ng hula na “patungo sa pagkapuksa” ang ikawalong hari na ito, at pagkatapos nito ay wala nang iba pang makalupang hari na binanggit. Tinutulungan ka ba ng hulang ito na makita kung nasaan na tayo sa agos ng panahon?

3 Tinutulungan tayo ng Daniel 2:31-45 na maunawaan ang pagdating ng araw ni Jehova. Sa hulang iyon, ang pagkalaki-laking imahen na nakita ni Nabucodonosor sa panaginip ay lumalarawan sa sunud-sunod na paglitaw ng mga kapangyarihang pandaigdig. Lumitaw na ang bawat isa sa mga kapangyarihang ito. Nasaan na tayo sa takbo ng kasaysayan sa ngayon? Sa yugto na isinasagisag ng paa ng imahen. Buong-linaw na inilalarawan ng hula kung ano ang susunod na magaganap. Lubusang wawakasan ang pamamahala ng tao, na papalitan naman ng “isang kaharian na hindi magigiba kailanman.” Nauunawaan mo ba kung paano nito ipinakikita na ang araw ni Jehova ay malapit na?

4 Higit Pang Ebidensiya: Nasasaksihan natin ang higit pang ebidensiya na ang araw ni Jehova ay malapit na. Nakikita natin ang katuparan ng inihula ni apostol Pablo hinggil sa ugali ng mga tao “sa mga huling araw.” (2 Tim. 3:1-5) At nakikibahagi tayo sa pambuong-daigdig na patotoo na kailangang ibigay bago dumating ang wakas. (Mat. 24:14) Patuloy nawang maaninag sa ating pangmadlang ministeryo ang apurahang panawagan ng anghel: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay sa kaniya ng kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang oras ng paghatol niya.”—Apoc. 14:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share