Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/06 p. 5
  • Isang Tulong na Kaagad Masusumpungan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Tulong na Kaagad Masusumpungan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Ang Kristiyanong Kongregasyon—Isang Pinagmumulan ng Tulong na Nagpapalakas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Higit Pa ang Gawin Kaysa Pagsasabi Lamang: “Magpakainit at Magpakabusog Ka”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Positibong Pagkilos Tungo sa Higit na Pagsulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 2/06 p. 5

Isang Tulong na Kaagad Masusumpungan

1. Paano maaaring manghina ang espirituwalidad ng isa?

1 Hindi madali para kay Anna, isang sister na may di-sumasampalatayang asawa at trabahong umuubos ng maraming panahon niya, na dumalo nang regular sa Kristiyanong mga pagpupulong, makibahagi sa ministeryo, at mag-aral ng Salita ng Diyos. Bagaman mahal pa rin niya si Jehova, naging di-aktibo siya. Buti na lamang, tumanggap siya ng espirituwal na tulong mula sa nagmamalasakit na mga elder.

2. Paano maaaring maging tulong na kaagad masusumpungan ang lahat ng mga Kristiyano?

2 Ang pagtanggap sa espirituwal na tulong na inilalaan sa pamamagitan ng Kristiyanong kongregasyon ay pagpapakita ng pagtitiwala kay Jehova mismo. Bilang pagtulad sa maibiging pagmamalasakit ni Jesu-Kristo, ang matatandang lalaki sa kongregasyon ay humahanap ng mga pagkakataon upang maglaan ng pampatibay-loob at praktikal na tulong sa mga napapaharap sa mga hamon sa kanilang ministeryong Kristiyano. (1 Tes. 5:14) Kadalasan, mabait na salita lamang ng pampatibay-loob batay sa isang nakapagpapasiglang teksto sa Bibliya ang kinakailangan. Ang pagkukusang tumulong sa mga pansamantalang nanghina ay pananagutan ng lahat ng Kristiyano, hindi lamang ng mga elder. Walang-alinlangang naranasan na ng bawat isa sa atin ang kapangyarihan ng maalalahaning mga ‘salita na binigkas sa tamang panahon.’—⁠Kaw. 25:11; Isa. 35:3, 4.

3, 4. Ano ang nasasangkot sa pagtulong sa iba, at paano natin magagawa ito?

3 Magkusa: Upang maipakita ang maibiging interes sa mga nangangailangan, kailangan tayong magkusa, makipagkapuwa-tao, at maging determinado. Nang malaman ni Jonatan ang nakapipighating kalagayan ni David, siya ay “tumindig at pumaroon kay David sa Hores, upang mapalakas niya ang kamay nito.” (1 Sam. 23:15, 16) Maging mabait sa pagtulong sa iba. Napakabuti ng idinudulot ng mga salitang udyok ng taimtim na pagmamalasakit. Bukod diyan, malinaw na ipinakita ni Jesus na kailangan ang matiyaga at makabuluhang pagsisikap upang matamong muli ang isang espirituwal na kapatid. (Luc. 15:4) Ang marubdob na pagnanais na tulungan ang iba ay mag-uudyok sa atin na maging matiyaga sa pagtulong kahit wala tayong nakikitang kagyat na pagsulong.

4 Talagang nakapagpapatibay kung magkukusa tayong anyayahan ang iba, gaya ng mga kasama natin sa pag-aaral sa aklat, na samahan tayo sa ministeryo! Habang tinutulungan natin ang isang kapuwa lingkod ni Jehova na makibahagi sa ministeryo, maaari nating samantalahin ang pagkakataong iyon upang pasiglahin siya na pag-ibayuhin pa ang kaniyang paglilingkod sa Diyos. Ang gayong masasayang pagkakataon na ginugol nang magkasama sa paglilingkod kay Jehova ay lalo nang nakapagpapatibay sa mga nagsisikap mapanumbalik ang kanilang espirituwal na pagkatimbang.

5. Sa ilang kalagayan, paano makatutulong ang mga elder?

5 Isang Maibiging Paglalaan: Ang mga matagal-tagal nang hindi nakibahagi sa pangangaral o nakisama sa kongregasyon ay maaaring nangangailangan ng karagdagang tulong upang mapatibay ang kanilang pananampalataya. Baka ang mismong kailangan ay pagdausan siya ng personal na pag-aaral sa Bibliya gamit ang publikasyon na Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos, Maging Malapít kay Jehova, o Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Yamang bautisado na siya, karaniwang hindi naman kailangang tumagal ang pag-aaral. Dapat alamin ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon kung sino ang makikinabang sa paglalaang ito.—⁠Tingnan ang “Tanong” sa isyu ng Nobyembre 1998 at Nobyembre 2000 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

6. Paano napanauli ng isang sister ang kaniyang espirituwal na lakas?

6 Mapagpahalagang tinanggap ni Anna, na binanggit kanina, ang alok ng mga elder na pagdausan siya ng pag-aaral sa Bibliya ng isang may-gulang na sister. Apat na sesyon lamang ng pag-aaral ang kinailangan para muli siyang mapalapít kay Jehova. Dumalo siyang muli sa mga pulong ng kongregasyon at nanumbalik ang pagnanais niyang purihin ang Diyos na Jehova sa madla. Tinulungan din siya ng may-gulang na sister sa ministeryo, at isinama siya sa iba pang mga pag-aaral sa Bibliya hanggang sa magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob na mangaral sa bahay-bahay. Mabait na tulong lamang ang kinailangan niya para maging aktibong muli!

7. Anu-anong pakinabang ang idinudulot ng espirituwal na pagpapatibay sa iba?

7 Ang pagpapatibay sa mga nangangailangan ay nagdudulot ng pagpapala sa lahat. Ang isa na tinutulungan ay nasisiyahang mapalapít kay Jehova at maging abala sa gawain ng Kaniyang organisasyon. Nagagalak ang mga elder na makita ang gayong espirituwal na pagsulong. (Luc. 15:5, 6) Ang kongregasyon ay nabubuklod sa pagkakaisa habang ang lahat ay nagpapakita ng maibiging pagmamalasakit sa isa’t isa. (Col. 3:12-14) Talagang may mabubuti tayong dahilan upang tularan si Jehova, isang tulong na kaagad masusumpungan!—⁠Efe. 5:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share