Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 1
“Sang-ayon ka ba na kapag sinunod ang utos na ito ni Jesus, lalong magiging maligaya ang pamilya? [Basahin ang Juan 13:34. Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng artikulong ito kung paano kumakapit ang mga turo at halimbawa ni Jesus sa bawat miyembro ng pamilya.” Itampok ang artikulo sa pahina 16 at 17.
Gumising! Agos.
“Sa palagay mo, malulutas kaya ng pamahalaan ng tao ang problema tungkol sa pag-init ng globo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Jeremias 10:23.] Masisiyahan ka sa artikulong ito. Itinatampok nito ang solusyon ng Diyos sa mga problemang nagsasapanganib sa ating planeta.”
Ang Bantayan Set. 1
“Pamilyar ang karamihan ng mga tao sa pananalita ni Jesus na nasa Mateo 6:9. [Basahin.] Pero para sa marami, mahirap maging malapít sa Diyos tulad sa isang Ama. Sa palagay mo, paano kaya tayo mapapalapít sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang iba’t ibang katangian ng ating Ama sa langit. Ipinaliliwanag din nito kung paano talaga natin siya makikilala.”
Gumising! Set.
“Sa loob ng maraming siglo, pinagtatalunan ng marami kung mayroon nga bang kabilang-buhay. Ano ang masasabi mo? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo kung ano ang paniniwala ni Job tungkol sa bagay na iyan. [Basahin ang Job 14:14, 15.] Inihaharap ng mga artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kabilang-buhay.”