Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Gusto ko po sanang marinig ang opinyon ninyo tungkol sa sinabing ito ni Jesus. [Basahin ang Mateo 5:5.] Kapag natupad po ang pangakong ito, ganito pa rin kaya ang magiging kalagayan sa lupa? [Hintaying sumagot.] Ipinakikita po ng magasing ito mula sa Bibliya kung paano babaguhin ni Jesus ang lupa. Ipinaliliwanag din po rito kung sino ang magmamana ng lupa.”
Gumising! Agos.
“Sa palagay po ninyo, makikita pa kaya nating muli ang mga mahal natin sa buhay na namatay na? [Hintaying sumagot.] Pansinin po ninyo ang pangako ni Jesus tungkol sa mga patay. [Basahin ang Juan 5:28, 29.] Ipinaliliwanag po ng artikulong ito mula sa Bibliya kung ano ang nangyayari kapag namatay tayo.” Itampok ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Set. 1
“Marami pong tao sa ngayon ang wala nang interes sa relihiyon. Sa tingin po ninyo, ang pagiging relihiyoso po ba ay nakatutulong sa isa na maging mabuting tao? [Hintaying sumagot.] Pansinin po ninyo ang inihula ng Bibliya tungkol sa kung ano ang magugustuhan ng ilang tao sa relihiyon sa mga huling araw. [Basahin ang 2 Timoteo 4:3, 4.] Ipinaliliwanag po ng magasing ito kung paanong ang tunay na pagsamba ay nagpaparangal sa Diyos at nagbibigay sa atin ng mga kapakinabangan.”
Gumising! Set.
“Marami pong tao ang nagtatanong kung kaayon ba ng siyensiya ang paniniwala sa Diyos. Ano po sa tingin ninyo? [Hintaying sumagot. Saka basahin ang Hebreo 3:4.] Sinusuri po ng pantanging isyung ito ng Gumising! ang ebidensiya kung bakit naniniwala sa Maylalang ang ilang siyentipiko.”