Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/08 p. 8
  • Ginagamit Mo Ba ang Aklat na Nangangatuwiran?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginagamit Mo Ba ang Aklat na Nangangatuwiran?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mga Mabibisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Tamuhin ang mga Kapakinabangan sa Aklat na Nangangatuwiran
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aktat na Reasoning
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 12/08 p. 8

Ginagamit Mo Ba ang Aklat na Nangangatuwiran?

1. Paano nagturo sa iba si apostol Pablo at si Jesus?

1 Sinikap ni apostol Pablo na ‘mangatuwiran mula sa Kasulatan.’ (Gawa 17:2, 3; 18:19) Sa paggawa nito, tinularan niya si Jesus. Madalas sumipi si Jesus sa Kasulatan at gumamit din siya ng mga ilustrasyon para tulungan ang kaniyang mga tagapakinig na maunawaan ang kalooban ng Diyos. (Mat. 12:1-12) Ang aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan ay dinisenyo para tulungan tayo na magawa rin ang gayon.

2. Paano natin magagamit ang aklat na Nangangatuwiran sa paghahanda ng mga epektibong pambungad?

2 Maghanda ng Epektibong mga Pambungad: May nakapupukaw-pansing mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan sa pahina 9-15. Kapag pinag-aralan mo at ginamit ang iba’t ibang pambungad, lalo na sa mga teritoryong madalas gawin, magiging kawili-wili ang iyong ministeryo. Tutulong din ito sa iyo para mas madali mong maibagay ang iyong presentasyon sa iyong kausap at maging mas epektibo sa pagpapasimula ng mga pag-uusap. Maaaring basahin mismo sa aklat ang mga pambungad kapag nagpapatotoo sa pamamagitan ng telepono o kapag nakikipag-usap sa mga tao sa pamamagitan ng intercom sa mga gusaling may mahigpit na seguridad.

3. Ano ang makikita sa pahina 16-24 ng aklat na Nangangatuwiran na makatutulong sa ating ministeryo?

3 Kung Paano Tutugon sa mga Pagtutol ng May-bahay: Makabubuti na paghandaan mo ang mga posibleng pagtutol ng mga may-bahay sa inyong teritoryo, at bago ka mangaral, repasuhin saglit ang pahina 16-20 hinggil sa maaari mong itugon sa gayong mga pagtutol. Mayroon ka kayang makakausap na Budista, Hindu, Judio, o Muslim? Kung gayon, makatutulong sa iyo ang impormasyon na nasa pahina 20-24.

4. Paano natin magagamit ang aklat na Nangangatuwiran kapag ang may-bahay ay may ibinangong tanong o kontrobersiyal na paksa?

4 Pagsagot sa mga Tanong: Makatutulong din sa atin ang aklat na Nangangatuwiran kapag ang may-bahay ay may ibinangong tanong o kontrobersiyal na paksa. Maaari mong sabihin sa may-bahay na nais mong ipakita sa kaniya ang isang kawili-wiling punto hinggil sa paksang ibinangon niya, at pagkatapos ay ilabas ang iyong aklat na Nangangatuwiran. Yamang ang mga paksa ay nakalista ayon sa pagkakasunud-sunod ng alpabeto, hanapin ang pangunahing uluhan na sa tingin mo ay naglalaman ng impormasyong kailangan mo. Pagkatapos, tingnan nang pahapyaw ang mga tanong na nasa makakapal na letra. Kung hindi mo makita agad ang hinahanap mo, tingnan ang indise na nasa dulong bahagi ng aklat. Kapag nakita mo na ang angkop na impormasyon, basahin ito mismo sa aklat. Kung ang tinatalakay mo ay tungkol sa isang espesipikong teksto, maaari mong matagpuan ang kailangan mong impormasyon sa pahina 445 sa ilalim ng “Mga Tekstong Kadalasa’y Mali ang Pagkakapit.”

5. Ano pa ang ibang kapaki-pakinabang na gamit ng aklat na Nangangatuwiran?

5 Iba Pang Gamit: Ang ilan ay nagdadala ng aklat na Nangangatuwiran sa kanilang trabaho o paaralan para magamit sa pagsagot sa mga tanong na gaya ng, ‘Bakit ba hindi kayo nagdiriwang ng mga kapistahan?’ Malaking tulong naman sa mga kabataan ang impormasyon sa ilalim ng uluhang “Paglalang” at “Ebolusyon” kapag gumagawa sila ng mga report sa paaralan. Mayroon ka bang dadalawing maysakit o namatayan ng mahal sa buhay? Makatutulong sa iyo ang materyal na nasa ilalim ng uluhang “Pampatibay-loob” upang makapagbigay ka ng kaaliwan mula sa Bibliya. Kapaki-pakinabang din ang aklat na Nangangatuwiran sa paghahanda ng mga pahayag at sa pangangasiwa ng mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan.

6. Ano ang tunguhin natin kapag nangangaral?

6 Kapag nangangaral tayo, ang tunguhin natin ay hindi para manalo sa argumento; ni para makapagtawid lamang ng impormasyon. Ang tunguhin natin ay mangatuwiran nang may-kahusayan mula sa Kasulatan. Kung gagamitin nating mabuti ang aklat na Nangangatuwiran, maipapakita natin na lagi tayong nagbibigay-pansin sa ating turo.—1 Tim. 4:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share