Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/90 p. 3
  • Mga Mabibisang Pambungad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Mabibisang Pambungad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ISAALANG-ALANG ANG KANILANG PANGMALAS
  • PAGGAMIT NG MGA PAMBUNGAD MULA SA AKLAT NA NANGANGATUWIRAN
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Mabisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Ginagamit Mo Ba ang Aklat na Nangangatuwiran?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Paggawa sa Teritoryong Madalas na Kubrehan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 3/90 p. 3

Mga Mabibisang Pambungad

1 Kapag nakikibahagi sa ministeryo, tayo ay napapaharap sa katanungang, “Ano ang una kong sasabihin?” Ang makaranasang mga mamamahayag ay nag-aalok ng ilang nakatutulong na mga mungkahi. Ano ang ilan sa mga ito?

2 Una, mahalaga na maging talagang interesado sa mga tao na ating kausap. Ito ay maipakikita sa salita at sa gawa. Mahalagang isaalang-alang ang pangmalas ng maybahay. Pakinggan ang kaniyang sagot sa inyong mga katanungan. Ipakita kung papaano siya makikinabang nang personal.

ISAALANG-ALANG ANG KANILANG PANGMALAS

3 Nang si Jesus ay nagpatotoo sa isang babaeng Samaritana, ang ilan sa kaniyang mga sinabi ay bago sa kaniya. Si Jesus ay maingat na nakinig, at nang sumagot, isinaalang-alang niya ang sinabi ng babae. Nais niyang makatulong sa kaniya. (Juan 4:13, 14, 19-26) Sinisikap ba nating tularan ang halimbawa ni Jesus sa bagay na ito?

4 Kapag tumugon ang mga tao sa inyong pambungad sa pamamagitan ng pagsasabing, “Mayroon na akong relihiyon,” ano ang maaari ninyong gawin? Naisaalang-alang na ba ninyo ang impormasyon sa mga pahina 18-19 ng aklat na Nangangatuwiran? Sa mga lugar na maraming taong gumagamit ng ganitong pagtutol, masusumpungan ninyong kapakipakinabang kung uunahan na ninyo ang kanilang komento sa pamamagitan ng pagbabangon ng paksang ito sa umpisa pa lamang. Halimbawa, maaari ninyong sabihin, “Mayroon na ba kayong relihiyon? [Makinig sa kanilang sagot.] Iniisip kong mayroon na kayong relihiyon palibhasa’y gayon ang karamihan sa lugar na ito. Gayumpaman, ang dahilan ng aking pagparito sa umagang ito ay . . . ” Pagkatapos ay magpatuloy sa paksang nais ninyong talakayin.

5 Kung ang maraming maybahay ay magsabi, “Ako’y abala,” maaari kayong pumili ng isa o higit pang ideya sa mga pahina 19-20 ng aklat na Nangangatuwiran at ikapit iyon sa inyong teritoryo. Maraming kapahayagan ang maaaring magamit upang unahan ang mga pagtutol na karaniwang naririnig.

PAGGAMIT NG MGA PAMBUNGAD MULA SA AKLAT NA NANGANGATUWIRAN

6 Mapapansin ninyo na ang mga pambungad sa mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran ay nagsasaalang-alang sa mga paksang karaniwang nang nakababahala sa mga tao, gaya ng mga kasalukuyang pangyayari, personal na kaligtasan, trabaho, pagbabahay, buhay pampamilya, at ang kinabukasan. Gayumpaman, pansinin din na ang mga ito ay nag-aanyaya sa maybahay na ipahayag ang sarili. Ito’y makatutulong sa kaniyang makita na ang paksa ay mahalaga at nakakaapekto sa kaniya nang personal.

7 Pag-aralang gamitin ang mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran. Makinabang mula sa karanasan ng iba pang mga mamamahayag. Manalangin para sa pagpapala ni Jehova sa inyong mga pagsisikap. Sa pamamagitan ng paggawa nito, maaaring ang mas marami pang mga tao sa inyong teritoryo ay tumugon sa mabuting balita.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share