Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Enero 1
“Sa palagay po ninyo, mas gaganda kaya ang kalagayan sa daigdig kung ang lahat ng tao ay susunod sa simulaing ito ng Bibliya? [Basahin ang Roma 12:18. Saka hayaang sumagot.] Pero bakit kaya may mga pagkakataon noon na inuutusan ng Diyos ang kaniyang bayan na makipagdigma? Ipinakikita ng artikulong ito ang malinaw na sagot ng Bibliya.” Ipakita ang artikulo sa pahina 13.
Gumising! Enero
Basahin ang Gawa 17:31a. Saka sabihin: “Maraming tao ang nangingilabot kapag naririnig nila ang Araw ng Paghuhukom. Ano po’ng masasabi n’yo rito? [Hayaang sumagot.] Itinuturo ng Bibliya na maraming pagpapalang idudulot sa lupa ang Araw ng Paghuhukom. Ipinaliliwanag po iyan ng artikulong ito.” Ipakita ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Pebrero 1
“Marami po ang umaasang aakyat sila sa langit kapag sila’y namatay. Ganiyan din ba ang pag-asa n’yo? [Hayaang sumagot.] Sinasabi po ng Bibliya kung anong gantimpala ang ibibigay sa maraming mabubuting tao. [Basahin ang Awit 37:29.] Nililiwanag po sa magasing ito kung sino ang aakyat sa langit at kung ano ang gagawin nila roon, ayon sa Bibliya.”
Gumising! Pebrero
“Napakarami nang nagdidiborsiyo sa ngayon. Sa palagay po ninyo, napag-isipan na kaya nilang mabuti ang lahat bago magdiborsiyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Kawikaan 14:15.] Ipinaliwanag po ng magasing ito ang apat na bagay na dapat pag-isipan ng mga mag-asawang gustong magdiborsiyo.”