Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abril 1
“May ilang akda na nagsasabing hindi namatay si Jesus gaya ng sinasabi ng Bibliya at na siya ay nagkaroon ng asawa’t anak. Narinig mo na ba iyon? [Hayaang sumagot.] Mahalagang malaman natin kung ano ang totoo. [Basahin ang Juan 17:3.] Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mga dahilan kung bakit tayo makapagtitiwala sa sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus.” Itampok ang artikulo sa pahina 26.
Gumising! Abril
Basahin ang Awit 37:9-11. Pagkatapos ay sabihin: “Ano sa tingin mo ang magiging kalagayan ng daigdig kapag natupad na ito? [Hayaang sumagot.] Binabanggit sa artikulong ito ang nakapagpapatibay na hulang iyan at ipinaliliwanag nito kung bakit laganap sa ngayon ang kasamaan sa daigdig.” Itampok ang artikulo sa pahina 20.
Ang Bantayan Mayo 1
“Naisip mo na ba kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung paano ipinahayag ng isang manunulat ng Bibliya ang nadarama ng maraming tao. [Basahin ang Awit 10:1.] Ipinaliliwanag sa magasing ito ang sinasabi ng Bibliya kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa at kung ano ang ginagawa niya para mawala ito.”
Gumising! Mayo
“Marami ang gustong huminto sa paninigarilyo pero nahihirapan silang gawin ito. May kilala ka bang ganiyan? [Hayaang sumagot.] Nakita ng ilan na nakakatulong ang suporta ng kanilang pamilya at mga kaibigan. [Basahin ang Eclesiastes 4:12a.] Nagbibigay ang magasing ito ng praktikal na mga mungkahi na tutulong sa isa na huminto sa paninigarilyo.”