Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Marso 1
Basahin ang Exodo 20:15. Pagkatapos, sabihin: “Sinisikap ng karamihan na sundin ang utos na ito. Pero iniisip ng ilan na tama lang na magnakaw o maging di-tapat kung may mabigat namang dahilan. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay sa artikulong ito ang mga kapakinabangan ng pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Gumising! Marso
“Iginagalang ng marami ang Bibliya, pero iniisip nila na hindi na praktikal sa ngayon ang karamihan sa mga payo nito. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Roma 15:4.] Ipinaliliwanag sa artikulong ito kung bakit mahalaga pa rin ang buong Bibliya, maging ang mas lumang mga aklat nito.” Itampok ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Abril 1
“Marami ang nagsasabi na si Jesus ang pinakamaimpluwensiyang tao sa kasaysayan. Ganiyan din ba ang opinyon mo? [Hayaang sumagot.] Pero marami ngayon ang nalilito kung sino talaga siya. Pansinin kung bakit mahalagang malaman ang katotohanan tungkol kay Jesus. [Basahin ang Juan 17:3.] Mababasa sa espesyal na isyu na ito ng Ang Bantayan kung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus at sa kaniyang mga turo.”
Gumising! Abril
“Parang lagi na lang kulang ang oras natin. Hindi tuloy natin nagagawa ang lahat ng gusto nating gawin. Sang-ayon ka ba? [Hayaang sumagot.] Nasumpungan ng marami na kapaki-pakinabang ang payong ito. [Basahin ang Filipos 1:10.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi kung paano natin maibabadyet ang ating panahon.”