Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/10 p. 7
  • Paano Sasanaying Mangaral ang mga Baguhan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Sasanaying Mangaral ang mga Baguhan?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 3—Tumulong sa Ikasusulong ng Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Sanayin ang mga Baguhan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Sanayin Silang Patuloy na Maglingkod kay Jehova
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Maging Maaasahang Partner
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 5/10 p. 7

Paano Sasanaying Mangaral ang mga Baguhan?

1. Ano ang naramdaman mo nang una kang magbahay-bahay?

1 Naaalala mo ba nang una kang mangaral sa bahay-bahay? Malamang na matindi ang nerbiyos mo. Pero kung kasama mo noon ang nagturo sa iyo ng Bibliya o ang ibang mamamahayag, tiyak na lumakas ang loob mo. Ngayong marami ka nang karanasan bilang ministro, ikaw naman ang magsasanay sa mga baguhan na mangaral.

2. Ano ang kailangang matutuhan ng mga bagong mamamahayag?

2 Kailangang matutuhan ng mga bagong mamamahayag kung paano makikipag-usap sa may-bahay, gumamit ng Bibliya, dumalaw-muli, at magbukas at magdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Dapat din silang matutong mangaral sa iba’t ibang paraan, gaya ng pagpapatotoo sa lansangan at sa mga lugar ng negosyo. Matutulungan mo sila sa pamamagitan ng iyong halimbawa at mga mungkahi.

3. Paano makakatulong sa iba ang ating halimbawa?

3 Maging Halimbawa: Ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad kung paano mangaral. (Luc. 8:1; 1 Ped. 2:21) Kung sasamahan mo ang isang bagong mamamahayag, maghanda ka ng simpleng presentasyon na maaari niyang tularan, gaya ng mga nasa publikasyon natin. Ikaw muna ang makipag-usap sa una o hanggang ikalawang bahay para marinig niya ang sasabihin mo. Pagkatapos mong makipag-usap, tanungin ang obserbasyon niya sa presentasyon mo. Sa gayon, makikita niya ang kahalagahan ng may kasama sa ministeryo at mas madali niyang matatanggap ang anumang mungkahi matapos siyang makipag-usap sa may-bahay.

4. Paano natin matutulungan ang bagong mamamahayag may kinalaman sa kaniyang presentasyon?

4 Magmungkahi: Nagbigay din si Jesus sa kaniyang mga alagad ng mga tagubilin kung paano mangaral. (Mat. 10:5-14) Matutulungan mo din ang mga baguhan sa gayong paraan. Makinig kang mabuti habang nakikipag-usap siya. Pag-alis ninyo sa may-bahay, huwag kalimutang magbigay ng taimtim na komendasyon, kahit may mga napansin kang dapat niyang pasulungin. Bago magmungkahi, tingnan mo muna kung napasulong niya ang bagay na iyon sa susunod na bahay. Baka kinakabahan lang siya. Tandaan din na magkakaiba ang kakayahan ng mga mamamahayag, at karaniwan nang may iba’t ibang paraan din para gawin ang isang bagay.—1 Cor. 12:4-7.

5. Ano ang puwede nating sabihin kung gusto nating magmungkahi?

5 Kung minsan, humihingi ng mungkahi ang bagong mamamahayag. Pero kung hindi, mag-alok ng tulong. Paano mo ito mataktikang gagawin? Ang ilang makaranasang mamamahayag ay nagsasabi, “May gusto sana akong imungkahi sa iyo” o, “Ano’ng napansin mo sa pag-uusap n’yo ng may-bahay?” O kaya, “Dati, nahihirapan din akong . . . , pero nakatulong sa akin ang . . . ” Makakatulong din kung magkasama ninyong babasahin ang aklat na Nangangatuwiran. Para hindi naman siya mabigla, isang bagay lang sa kaniyang presentasyon ang bigyang-pansin.

6. Paano ‘pinatatalas ng bakal ang bakal’ pagdating sa ministeryo?

6 Pinatatalas ng Bakal ang Bakal: Si Timoteo, isang makaranasang ebanghelisador, ay pinasigla ni Pablo na patuloy na sumulong at magsikap sa pagtuturo. (1 Tim. 4:13, 15) Kahit bihasa ka na sa ministeryo, dapat na magsikap ka pa ring sumulong. Matuto mula sa mga nakakasama mo sa pangangaral, maging sa mga baguhan. Maging alistong tumulong sa iba, lalo na sa mga baguhan, para maging mahusay silang mga ministro ng mabuting balita.—Kaw. 27:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share