Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/91 p. 1-7
  • Bahagi 3—Tumulong sa Ikasusulong ng Iba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 3—Tumulong sa Ikasusulong ng Iba
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Sasanaying Mangaral ang mga Baguhan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Sanayin ang mga Baguhan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Matuto Mula sa Mas Makaranasang mga Mamamahayag
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Maging Maaasahang Partner
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 10/91 p. 1-7

Maging Buong Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan

Bahagi 3—Tumulong sa Ikasusulong ng Iba

1 Ang ugnayan sa pagitan ng nakatatandang kapatid na si Pablo at ng tapat na binatang si Timoteo ay madalas banggitin bilang isang mainam na halimbawa ng pagsasanay sa ministeryo. (1 Cor. 4:17) Si Timoteo ay tinuruan ni Pablo na ibahagi sa iba ang kaalaman at pagsasanay na kaniya ring tinanggap. (2 Tim. 2:1, 2) Makabubuting sundin natin ang gayon ding paraan sa kongregasyon sa ngayon.

2 Sanayin ang Iba: Maliwanag na kailangan ang pagsasanay sapagkat sa Pilipinas ay mayroong naidagdag na 13,000 mamamahayag sa nakaraang tatlong taon. Malamang na makikinabang ang mga ito sa pagsasanay na maibibigay ng may-karanasang mga mamamahayag. Isang kapatid na babae na dati ay gumugugol ng isa o dalawang oras isang buwan sa paglilingkod ay natutong magsalitang mahusay sa mga pintuan nang siya’y tulungan ng isang may-karanasang mamamahayag. Nawala ang kaniyang dating pag-aatubiling makibahagi sa ministeryo, at siya’y naging masigasig na mamamahayag ng mabuting balita. Ngayon bilang mabungang payunir, ang komento niya ay: “Ang kailangan ko lamang noon ay ang turuan kung ano ang sasabihin, at pagkatapos ay nasiyahan na ako sa ministeryo.”

3 Kung kayo’y matanda, ministeryal na lingkod, payunir, o isang may-karanasang mamamahayag, papaano kayo makatutulong sa ikasusulong ng iba? Ang unang hakbang ay ipaalam sa inyong konduktor ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat na ibig mong tulungan ang ibang mamamahayag.

4 Maging Organisado at Handa: Mahalaga na magkaroon ng tiyak na oras ng inyong pagsasama. Ang inyong kasama sa pasimula ay maaaring nininerbiyos, ngunit magpapasalamat siya na may kasama siyang makatulong kung kinakailangan. (Ecles. 4:9) Kung maaari, pumili ng teritoryo kung saan ang mga tao ay mas handang makipag-usap sa Bibliya. Ito’y tutulong sa baguhan na masangkot sa mga usapan at sa gayon ay magkaroon ng higit na tiwala.

5 Upang ipagpatuloy ang pagsasanay, makabubuting pag-usapan kung papaano dadalaw-muli sa interes na nasumpungan. Kasangkot dito ang paglalagay ng saligan sa unang dalaw sa pamamagitan ng pagbabangon ng tanong sa maybahay na sasagutin pagbalik ninyo. Tulungan ninyong maghanda ang baguhang mamamahayag, saka samahan ninyo siya sa pagdalaw. Kung may pag-aaral na pinasimulan at ang baguhang mamamahayag ay nag-aalinlangan pa rin sa kaniyang kakayahan, ang may-karanasang mamamahayag ang maaaring magdaos ng pag-aaral ng ilang beses hanggang sa maging kuwalipikado ang baguhan.

6 Dahil sa mabilis na pagpasok ng mga baguhan sa organisasyon, maliwanag na kailangan ang masinsinang edukasyon sa ministeryo sa larangan. Kailangan ang tulong ng mga bihasa na sa gawaing pangangaral. Kung kayo’y maaaring tumulong sa isang baguhan, darating ang panahong siya’y magiging “karapat-dapat na makapagturo naman sa mga iba.”—2 Tim. 2:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share