Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 1
“Marami ang tumitingin muna sa kanilang horoscope bago magpasiya. May epekto kaya talaga sa ating buhay ang mga bituin? [Hayaang sumagot.] Sa Bibliya, may binanggit na mga konstelasyon ng sodyako. [Basahin ang 2 Hari 23:5.] Mababasa sa artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga bituin.” Ipakita ang artikulo sa pahina 18.
Gumising! Hunyo
“Karaniwan nang may bayad sa simbahan ang binyag, kasal, at libing. Sa palagay mo, tama kaya iyon? [Hayaang sumagot.] Tingnan natin ang tagubilin ni Jesus sa mga alagad niya. [Basahin ang Mateo 10:7, 8b.] Ipinapakita ng artikulong ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapabayad sa relihiyosong mga serbisyo.” Ipakita ang artikulo sa pahina 22.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Ang tawag ng marami sa Makapangyarihan-sa-lahat ay Diyos. Pero alam n’yo po ba na nasa Bibliya ang pangalan ng Diyos? [Hayaang sumagot. Basahin ang Isaias 42:8a.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit inalis sa ibang salin ng Bibliya ang pangalan ng Diyos at kung ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos sa pangalan.”
Gumising! Hulyo
“Marami ang problemado dahil sa ating ekonomiya. Nai-stress ang mga walang trabaho, at natatakot naman ang ilan na baka mawalan sila ng trabaho. Makakatulong po kaya ang payong ito? [Basahin ang Mateo 6:34. Hayaang sumagot.] May praktikal na mga payo sa magasing ito kung paano tayo makakaraos at mapapanatag kahit mahirap ang buhay.”