Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 1
“Magbabago kaya ang mundo kung susundin ng bawat isa ang mga salitang ito ni Jesus? [Basahin ang Mateo 7:12. Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito ang ilan sa mga turo ni Jesus hinggil sa tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano.” Ipakita ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Mayo
“Sa palagay mo, bubuti pa kaya ang ekonomiya natin? [Hayaang sumagot.] Hindi alam ng marami na makakatulong sa atin ang Bibliya sa panahon ng kahirapan. [Magbasa ng isang teksto mula sa artikulo.] Sa artikulong ito, may mga payo ang Bibliya na makakatulong sa atin sa panahong mabuway ang ekonomiya.” Ipakita ang artikulo sa pahina 18.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Di-tulad noon, hindi na tinatalakay ngayon sa maraming simbahan ang tungkol sa kasalanan. Sa palagay mo, makaluma na bang pag-usapan ito o talagang kailangan pa rin itong pag-usapan? [Hayaang sumagot. Basahin ang Roma 5:12.] Ipinapakita ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kasalanan.”
Gumising! Hunyo
“Parang hindi na tayo nawawalan ng stress sa buhay. Ganiyan din ba ang pakiramdam mo? [Hayaang sumagot.] Marami ang sumasang-ayon na isa ito sa mga dahilan kung bakit. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1.] Tinatalakay sa magasing ito kung ano ang epekto sa atin ng stress. May mga tip din dito kung paano natin ito makokontrol.”