Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Oktubre 1
“Marami ang nag-iisip kung may pakialam ba ang Diyos sa nadarama nating kalungkutan. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 34:18.] Tinatalakay ng artikulo sa pahina 19 kung paano tayo tinutulungan ng Diyos na madaig ang matinding kalungkutan, panunumbat ng budhi, at pagkadama ng kawalang-silbi.”
Gumising! Oktubre
“Para sa ilan, isa lamang puwersa ang Diyos. Para naman sa iba, isa siyang personang may damdamin. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang tekstong ito. [Basahin ang 1 Pedro 5:6, 7.] Tinatalakay ng artikulo sa pahina 29 ang sagot ng Bibliya sa tanong na, Totoo bang persona ang Diyos?”
Ang Bantayan Nobyembre 1
“Gusto nating lahat na maging kontento. Sa palagay mo ba kailangan natin ang pera para makontento? [Hayaang sumagot.] Natutuhan ng isang manunulat ng Bibliya kung paano makontento sa kakaunti. [Basahin ang Filipos 4:11, 12.] Tinatalakay ng magasing ito ang limang sekreto sa pagiging kontento ayon sa Bibliya.”
Gumising! Nobyembre
“Pinupuna ng ilang ateista ang kasamaang ginagawa sa ngalan ng Diyos at mas mabuti pa raw kung wala na lang relihiyon. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Narito ang isang dahilan kung bakit nagdudulot ng pagdurusa ang huwad na relihiyon. [Basahin ang 2 Timoteo 4:3, 4.] Binabanggit ng magasing ito ang ilang dahilan kung bakit hindi makatuwiran ang argumento ng mga ateista.”