Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Pebrero 1
“Karamihan sa atin ay may sarili nang relihiyon. Pero sa tingin mo, mahalaga kaya sa Diyos kung paano natin siya sinasamba? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Mateo 15:9.] Tinatalakay ng artikulong ito ang apat na pagkakakilanlan ng tunay na pagsamba ayon kay Jesus.” Itampok ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Pebrero
“Naniniwala ang ilan sa Maylalang. Pero iniisip naman ng iba na salungat sa siyensiya at hindi makatuwiran ang gayong paniniwala. Ano sa tingin mo? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, ang tunay na pananampalataya ay salig sa katibayan. [Basahin ang Hebreo 11:1.] Tinatalakay ng artikulong ito ang ilan sa mga ebidensiya ng pag-iral ng isang Maylalang.” Itampok ang artikulo sa pahina 22.
Ang Bantayan Marso 1
“Naniniwala ka bang ang Bibliya ay Salita ng Diyos, o sa tingin mo ay isa lang itong magandang aklat? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi mismo ng Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:16, 17.] Tutulungan ka ng magasing ito na makita kung ano ang dapat mong paniwalaan at kung bakit mahalaga na malaman ang totoo.”
Gumising! Marso
“Gaya ng karamihan, malamang na humahanga ka rin sa ganda ng kalikasan. Sasang-ayon ka ba na makikita rin sa kalikasan ang matalinong disenyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 104:24.] Ipinakikita ng magasing ito ang ilan sa mga kahanga-hangang disenyo na matatagpuan sa kalikasan at kung ano ang matututuhan natin mula sa mga ito.”