Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/11 p. 2
  • Alam Mo ba ang Iyong mga Mapagpipilian?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo ba ang Iyong mga Mapagpipilian?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Alam Mo Ba ang Iyong mga Mapagpipilian?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Ang Pinakamataas na Kalidad ng Paggamot—Ano Iyon?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
km 1/11 p. 2

Alam Mo ba ang Iyong mga Mapagpipilian?

Dumarami na ang mga pagamutan sa buong mundo na nag-oopera nang walang dugo. Alam mo ba ang iyong mga mapagpipilian sa larangan ng paggamot na walang dugo? Nauunawaan mo ba ang mga ito? Kailangan mo itong maunawaan upang makagawa ka ng may-kabatirang pasiya may kinalaman sa pagpapagamot at pagpapaopera. Panoorin mo ang video na No Blood—Medicine Meets the Challenge. Pagkatapos, may-pananalanging repasuhin ang natutuhan mo sa tulong ng mga tanong sa ibaba.—Pansinin: Dahil ang video ay may maiikling eksena ng pag-oopera, dapat pag-isipan ng mga magulang kung isasama nila ang kanilang mga anak sa panonood nito.

(1) Ano ang pangunahing dahilan sa pagtanggi ng mga Saksi ni Jehova na magpasalin ng dugo? (2) May kinalaman sa paggagamot, ano ang nais ng mga Saksi ni Jehova? (3) Ano ang saligang karapatan ng mga pasyente? (4) Bakit makatuwirang pumili ng mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo upang mapangalagaan ng isa ang kaniyang kalusugan? (5) Kapag maraming dugo ang nawala, ano ang dalawang apurahang priyoridad ng mga doktor? (6) Ano ang apat na simulain sa alternatibong paggamot na walang pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang magagawa ng mga doktor para (a) mabawasan ang pagdurugo, (b) hindi maubos ang pulang selula ng dugo, (c) mapabilis ang produksiyon ng dugo, at (d) mabawi ang nawalang dugo? (8) Ilarawan ang pamamaraang tinatawag na (a) hemodilution at (b) cell salvage. (9) Ano ang dapat mong malaman tungkol sa anumang alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (10) Maaari bang isagawa ang maselan at komplikadong mga operasyon nang hindi nagsasalin ng dugo? (11) Anong positibong pagsulong ang nagaganap sa larangan ng medisina?

Ang pagtanggap sa ilang paggamot na itinampok sa video na ito ay personal na pagpapasiya ng bawat isa ayon sa kaniyang budhing sinanay sa Bibliya. Nakapagpasiya ka na ba kung aling alternatibo sa pagsasalin ng dugo ang tatanggapin mo para sa iyong sarili at sa iyong mga anak? Napunan mo na ba ang iyong DPA card? Para sa mas detalyadong pagtalakay sa mga bagay na ito, maingat na repasuhin ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa mga isyu ng Ang Bantayan ng Hunyo 15, 2004 at Oktubre 15, 2000. Pagkatapos ay gamitin ang mga work sheet sa insert na “Ano ang Aking Pananaw Tungkol sa Blood Fractions at sa Paggamot na Ginagamitan ng Sarili Kong Dugo?,” na makikita sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2007, para makagawa ka ng personal na pasiya kung anong mga opsyon ang iyong pipiliin o tatanggihan. Panghuli, dapat tiyakin na wasto mong nailagay sa iyong DPA card ang mga napili mong opsyon. Dapat ding malinaw na ipaalam sa iyong piniling kinatawan sa pagpapagamot at sa sinumang kapamilyang di-Saksi ang iyong desisyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share