Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/10 p. 2
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Handa Ka ba sa Medical Emergency?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Alam Mo Ba ang Iyong mga Mapagpipilian?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Alam Mo ba ang Iyong mga Mapagpipilian?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 8/10 p. 2

Ipinagpapaliban Mo Ba?

Napunan mo na ba ang DPA (durable power of attorney) card na nakalaan para sa bautisadong mga Saksi, o ipinagpapaliban mo ito? Yamang “hindi [mo] nalalaman kung ano ang magiging buhay [mo] bukas,” napakahalagang pagpasiyahan na at isulat kung anong pamamaraan ng paggamot ang tatanggapin mo sa panahon ng emergency. (Sant. 4:14; Gawa 15:​28, 29) Makatutulong sa iyo ang video na Transfusion-Alternative Health Care​—⁠Meeting Patient Needs and Rights. Panoorin ito, at saka may-pananalanging repasuhin ang natutuhan mo sa tulong ng mga tanong sa ibaba.

(1) Bakit muling gumagawa ng pag-aaral ang mga doktor tungkol sa pagsasalin ng dugo? (2) Magbigay ng tatlong halimbawa ng masalimuot na operasyon na ginawa nang walang pagsasalin ng dugo. (3) Bakit maraming doktor at siruhano sa buong daigdig ang handang gumamot ng mga pasyente nang walang pagsasalin ng dugo? (4) Ano ang natuklasan sa pinakahuling mga pag-aaral hinggil sa paggamit ng dugo sa mga ospital? (5) Anu-ano ang panganib sa pagsasalin ng dugo? (6) Ano ang konklusyon ng maraming eksperto tungkol sa mga kapakinabangan ng mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang sanhi ng anemya? Hanggang saang antas ito makakayanan ng isang tao? Ano ang magagawa hinggil dito? (8) Paano mapabibilis ang pagdami ng mga pulang selula sa katawan ng pasyente? (9) Anu-anong pamamaraan ang ginagamit upang mabawasan ang pagdurugo sa panahon ng operasyon? (10) Bakit mahalagang patiunang pagpasiyahan ng mga Kristiyano kung anong paggamot nang walang pagsasalin ng dugo ang pipiliin nila? Paano natin ito magagawa?

Ang pagtanggap sa ilang paggamot na itinampok sa video na ito ay personal na pasiya ng bawat isa ayon sa kaniyang budhing sinanay sa Bibliya. Nakapagpasiya ka na ba kung aling paggamot at pamamaraan ang tatanggapin mo para sa iyong sarili at sa iyong mga anak? Napunan mo na ba ang iyong DPA card? Para sa mas detalyadong pagtalakay sa mga bagay na ito, repasuhing mabuti ang kabanata 7 ng aklat na “Pag-ibig ng Diyos” at ang mga reperensiyang binabanggit doon. Tingnan din ang insert na “Ano ang Aking Pananaw Tungkol sa Blood Fractions at sa Paggamot na Ginagamitan ng Sarili Kong Dugo?” sa isyu ng Enero 2007 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pinakahuli, tiyaking nakopya mo nang wasto sa iyong DPA card ang mga napili mo. Dapat na lubusan mong maipabatid sa iyong piniling kinatawan at sa sinumang kapamilyang di-Saksi ang iyong mga desisyon.

[Kahon sa pahina 2]

• Nakapagpasiya ka na ba kung aling paggamot at pamamaraan ang tatanggapin mo para sa iyong sarili at sa iyong mga anak?

• Lagi mo bang dala ang iyong pinunan na DPA card sakaling magkaroon ng emergency?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share