Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Marso 1
“May magkakaibang opinyon tungkol kay Jesus. Para sa iyo, anak ba siya ng Diyos o isa lamang mabuting tao?” Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang isa sa mga tanong na nasa makakapal na letra sa pahina 16-17 at ang isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at iiskedyul kung kailan babalik para isaalang-alang ang sagot sa susunod na tanong.
Gumising! Marso
Kapag isang kabataan ang nakausap, ipakita ang artikulo sa simula ng pahina 26. Ipakita ang unang subtitulo at tanungin, “Sa tingin mo, tama ba o mali ang mga pangungusap na ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang 2 Corinto 7:1.] Sinasabi rito kung ano ang kailangan mong malaman tungkol sa paninigarilyo at kung paano ito ihihinto.”
Ang Bantayan Abril 1
“Maraming tao ang may iba’t ibang paniniwala tungkol kay Jesus. Sa palagay mo ba mahalagang malaman ang totoo tungkol sa kaniya? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Juan 17:3.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus—kung saan siya nanggaling, paano siya namuhay, at kung bakit siya namatay.”
Gumising! Abril
“Sang-ayon ka ba na ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay ang isa sa pinakamasakit na puwedeng maranasan ng tao? [Hayaang sumagot.] Marami ang natulungan ng payong ito. [Basahin ang Awit 55:22.] Ipinaliliwanag sa magasing ito ang ilang praktikal na paraan kung paano makakayanan ang pamimighati at kung paano ihahagis sa Diyos ang ating pasanin.”